Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w85 6/15 p. 3-4
  • Kaapihan—Gaano Kalaganap?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Kaapihan—Gaano Kalaganap?
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1985
  • Kaparehong Materyal
  • Makakamit Pa Ba Natin ang Katarungan?
    Iba Pang Paksa
  • Kikilos Pa Kaya ang Diyos Laban sa Kawalang-Katarungan?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1989
  • Ang Dapat Nating Gawin Kapag May Kawalang-katarungan
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pag-aaral)—2025
  • Hindi ba Matatakasan ang Kawalang-Katarungan?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1998
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1985
w85 6/15 p. 3-4

Kaapihan​—Gaano Kalaganap?

MAAGA noong 1940 isang 34-taong gulang na lalaki na nagngangalang Roy ang inaresto sa New Mexico, E.U.A., at inakusahan ng pagnanakaw. Sinabi niya na siya ay isang libong milya ang layo sa pinangyarihan ng krimen nang mangyari iyon, subalit wala siyang maiharap na saksi upang patunayan iyon. Kaya’t siya ay nasumpungan na nagnakaw at sinintensiyahan na mabilanggo. Makalipas ang labing-anim na taon si Roy ay pinalaya sa bilangguan. Isang pagsisiyasat ang nagbunyag na siya’y walang kasalanan!

Mga ilang taon na ngayon isang babae sa Colombia ang sumulat sa isang pahayagan na naglalahad ng isang malungkot na istorya. Iniwan siya ng kaniyang asawa at pati kanilang apat na anak na lalaki para sumama naman sa ibang babae. Gayunman, pinagsikapan niya na mapag-aral ang kaniyang mga anak at pagkatapos, sa tulong nila, nakapag-ipon sila ng puhunan upang ang kaniyang pamilya ay mamuhay ng maalwan. At isang araw siya’y ipinatawag upang humarap sa isang hukom. Bakit? Ang kaniyang asawang lalaki ay naghabla ng kaso laban sa kaniya. Sinabi sa babaeng ito na kalahati ng lahat ng kaniyang ari-arian ay pag-aari ng kaniyang asawang lalaki. “Hindi ako makapaniwala sa ganiyang kawalan ng katarungan,” ang bulalas ng babae.

Maraming taon na ngayon nang isang pantas ang nagbunyag ng ganiyang karanasan ng tao nang kaniyang sabihin: “Dominado ng tao ang kaniyang kapuwa sa kaniyang ikapipinsala.” (Eclesiastes 8:9) Ang pagkadominang ito ay nagbunga ng kahirapan sa indibiduwal gaya ng pinapakita ng dalawang halimbawang ito. Ang resulta nito ay mga iba’t-ibang uri ng tao ang dumaranas ng pang-aapi. Narito lamang ang mga ilang halimbawa.

Ang Kabuhayan: Sang-ayon sa The World Almanac & Book of Facts 1984, ang katamtamang kita sa India ay $150.00 (U.S.) isang taon​—sa panahon na sa maraming bansa sa Europa ang katamtamang kita ay mga $10,000 (U.S.) isang taon. Sang-ayon sa mga ekonomista ang gayong mga pagkakaiba ay “nagdala ng pag-aalinlangan sa kahusayan at katarungan ng umiiral na kaayusan ng kabuhayan.”

Kalusugan: “Tungo sa Katarungan sa Kalusugan” isang kamakailan na paulong-balita sa isang magasin ng kalusugan ng UN. Ano ba ang di makatarungan tungkol sa kalusugan? Bueno, halimbawa, hindi pa gaanong natatagalan isang binata ang namatay sa Nepal dahilan sa nangangailangan siya ng insulin. Walang insuling makuha sa buong lugar na iyon na kinatitirhan niya. Makatarungan ba na ang mga tao’y mamatay sa mga ibang bansa dahilan sa mga sakit na nilulunasan o kontrolado naman sa mga ibang bansa? Dalawamput-limang milyon katao isang taon ang namamatay sa sakit na ang sanhi ay maruming tubig at palsong sanitasyon. Gayunman ay hindi magiging mahirap na tustusan sila ng malinis na tubig at gagastus lamang ng isang katlo ng halagang ginugugol ng daigdig sa sigarilyo o mga isang kawalong bahagi ng ginugugol sa mga armas. Iyan ba ay makatarungan?

Pagkain: Noong 1980 mga 50 milyong katao ang namatay sa gutom. Subalit, mayroong sapat na pagkain para sa lahat​—kung ipinamamahagi lamang iyan sa tamang paraan. Ang problema ay, maraming bansa ang gumagamit ng higit na pagkain kaysa kanilang kaparte. Malimit, kahit na mayroong pagkain, ang mga maralita ay hindi magkaroon ng pera upang ibili niyon. Isang mataas na opisyales ng United Nations Children’s Fund ang nagsabi na ang sitwasyon ay ‘hindi makatarungan, di-maaaring tanggapin at halos lubusang maiiwasan naman.’

Pagtatangi-tangi: Tungkol sa isang marahas na gulo, na dahil sa lahi, sa Estados Unidos, isang magasin ang nagsabi: “Ang pinakamatinding sanhi ng gulo ay ang kawalang katarungan.” Oo, mayroong mga lahi na malimit na inaapi. Apihin din ang mga babae. Gayundin ang mga maralita, ano man ang kanilang sekso o kulay.

Bakit nga ba ang daigdig ay punô ng pang-aapi?

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share