Napakahusay na Pantulong sa Pagmememorya
Ang cassette rekordings ng Ang Aking Aklat ng mga Kuwento sa Bibliya (sa Ingles) ay ganiyang-ganiyan. Isang inang taga-Alberta, Canada, ang nagkukuwento:
“Isang araw ay binabasahan ko ng kuwentong buhat sa Ang Aking Aklat ng mga Kuwento sa Bibliya (sa Ingles) ang aking apat-at-kalahating-taóng-gulang na anak, si Shaun. Sa isang lugar doon ay huminto ako sandali at sa laki ng aking pagtataka ay ipinagpatuloy niya ang kuwento, salita por salita, gaya ng nasa aklat na Kuwento sa Bibliya. Ang akala ko ay isang kuwento lamang ang alam niya. Kaya’t ipinakuwento ko pa sa kaniya ang isa at pagkatapos ay ang isa pa at memoryado niya ang bawat isa. . . .
“Samantalang nakikinig siya sa tape kaniyang pinag-aaralan ang larawan sa aklat na may kaugnayan sa bawat kuwento. Wari ngang sa ganitong paraan ay nasaulo niya iyon, salita por salita, yaong unang 33 kuwento, kasali na ang mahihirap tandaan na pangalan ng mga lugar at mga tao. Sakaling may nakalimutan siya, kadalasa’y isang salita lamang iyon at hindi humihigit sa tatlo o apat na salita pero ipahiwatig mo iyon sa kaniya at siya’y magpapatuloy na naman.”
Inyo bang kinaligtaan o napabayaan ang napakahusay na pantulong na ito sa memorya? Ang cassettes na may 116 na kuwento sa Ang Aking Aklat ng mga Kuwento sa Bibliya (sa Ingles) ay nagbibigay sa tagapakinig ng kung ano ang nilalaman ng Bibliya. At dahil sa ang paulit-ulit na pakikinig sa mga paglalahad na ito ay isang napakahusay na pantulong sa pagmememorya, anong kamangha-manghang paraan ito ng pagtuturo sa mga bata! Ang album na may apat na cassettes ay ₱120 lamang.
Pakisuyong padalhan ninyo ako, libre-bayad sa koreo, ng kulay-kayumangging album na may apat na cassette tapes ng Ang Aking Aklat ng mga Kuwento sa Bibliya (sa Ingles). Ako’y naglakip ng ₱120. (Sa labas ng Pilipinas, sumulat sa lokal na tanggapan ng Watch Tower para sa higit pang impormasyon.)