Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w85 11/1 p. 31
  • Pang-araw-araw na Teksto Para sa Nobyembre

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Pang-araw-araw na Teksto Para sa Nobyembre
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1985
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1985
w85 11/1 p. 31

Pang-araw-araw na Teksto Para sa Nobyembre

1 Ang pumapasok sa pinto ay siyang pastol ng mga tupa. Binubuksan siya ng bantay-pinto, at dinirinig ng mga tupa ang kaniyang tinig, at tinatawag ang kaniyang sariling mga tupa sa pangalan at sila’y inihahatid sa labas.​—Juan 10:2, 3. b 8/15/84 9-11

2 Makikipagtipan ako sa kanila ng tipan ng kapayapaan; magiging tipan na walang-hanggan sa kanila.​—Ezek. 37:26. b 9/1/84 15, 16a

3 Ang mga tao’y pagbubukdin-bukdin niya gaya ng pagbubukud-bukod ng pastol sa mga tupa at mga kambing.​—Mat. 25:32. b 9/15/84 3-5a

4 Sino ba sa inyo ang kung ibig magtayo ng isang moog ay hindi muna uupo at tatayahin ang halagang magugugol, upang alamin kung mayroon siyang sapat na magugugol hanggang sa matapos?​—Luc. 14:28. b 10/15/84 6-8b

5 Lagi naming idinadalangin kayo, upang . . . ganaping may kapangyarihan ng ating Diyos ang lahat ng ikinalulugod niya na kabutihan at gawa ng pananampalataya.​—2 Tes. 1:11. b 11/1/84 16, 18, 19

6 Sinunod mong lagi ang aking turo, . . . pagtitiis, mga pag-uusig, paghihirap.​—2 Tim. 3:10, 11. b 6/15/85 12-14a

7 Aking pinag-isipan ang aking mga lakad, upang maibalik ko ang aking mga paa sa iyong mga paalaala.​—Awit 119:59. b 12/15/84 6, 7a

8 Sumampalataya kayo kay Jehova ninyong Diyos upang kayo’y mabuhay nang matagal. Sumampalataya kayo sa kaniyang mga propeta at sa gayo’y magtagumpay kayo.​—2 Cron. 20:20. b 1/1/85 15, 16a

9 Narito, ang mga inihula na ay nangatupad. Mga bagong bagay ang patiunang sinasabi ko ngayon; bago mangyari ay sinasabi ko na sa inyo.​—Isa. 42:9, The Jerusalem Bible. b 10/1/84 5a

10 Kaniyang tinatanggap nang may kagandahang-loob ang lahat ng nagsasadya sa kaniya, at ipinangangaral sa kanila ang Kaharian ng Diyos.​—Gawa 28:30, 31. b 12/1/84 16-18b

11 Yamang lahat ng bagay na ito ay mapupugnaw nang ganito, nararapat na kayo’y maging anong uri ng mga tao sa banal na pamumuhay at mga gawang kabanalan, samantalang inyong hinihintay at laging isinasaisip ang pagkanaririto ng araw ni Jehova, na dahil dito ang mga langit na nagniningas sa apoy ay mapupugnaw.​—2 Ped. 3:11, 12. b 1/15/85 19, 20a

12 Anak ko, huwag mong kalimutan ang aking kautusan, at ingatan sana ng iyong puso ang aking mga utos.​—Kaw. 3:1. b 2/1/85 2-4a

13 Ang mga bagay na ito’y ipagkatiwala mo sa mga taong may pananampalataya, na may sapat na kakayahan naman na magturo sa iba.​—2 Tim. 2:2. b 2/15/85 21, 22b

14 Sa puso nananampalataya ang tao sa ikatutuwid, subalit sa pamamagitan ng bibig ginagawa ang pagpapahayag sa madla ukol sa ikaliligtas.​—Roma 10:10. b 3/1/85 7-9a

15 Ang Kordero, na nasa gitna ng trono, ang magiging pastol nila, at sila’y papatnubayan sa mga bukal ng tubig ng buhay.​—Apoc. 7:17. b 3/15/85 16a

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share