Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w85 12/15 p. 31
  • Mga Tanong Mula sa mga Mambabasa

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mga Tanong Mula sa mga Mambabasa
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1985
  • Kaparehong Materyal
  • Maging Malapít sa Diyos sa Panalangin
    Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?
  • Gaano Makabuluhan ang Iyong mga Panalangin?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1987
  • Ang Pribilehiyong Panalangin
    Ano ang Itinuturo sa Atin ng Bibliya?
  • Kung Papaano Ka Mápapalapít sa Diyos
    Ang Kaalaman na Umaakay sa Buhay na Walang-Hanggan
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1985
w85 12/15 p. 31

Mga Tanong Mula sa mga Mambabasa

◼ Mayroon bang mga bagay na hindi natin dapat sabihin pagka tayo’y nananalangin kay Jehova?

Oo, mayroon nga. Sa ating mga panalangin dapat nating iwasan ang pagsasabi ng mga bagay na kung pakikinggan ay labis na pamilyar at nag-aakala tuloy ang iba (sa mga panalanging pangmadla) na tayo’y walang galang. Ang mga pananalita na gaya ng “Magandang hapon, Jehova” at “Ihatid mo kay Jesus ang aming pag-ibig” ay hindi angkop, ni ang mga nakatatawang pangungusap o kahit na mga pagbibiro sa ating panalangin. Bakit?

Noong una, pagka tayo’y gumamit ng ganiyang mga pananalita sa pangmadlang panalangin, malamang na mabigla o magdamdam ang mga nakikinig. (Roma 14:21) Subalit mayroong isa pang lalong mahalagang dahilan kung bakit dapat iwasan ang ganiyang mga pananalita, kahit na sa ating sarilinang pananalangin. Ang mga iyan ay ginagamit natin kung nakikipag-usap tayo sa mga taong kapantay natin. Kung gagamitin sa pananalangin, nagpapakilala iyan ng kawalang pagpipitagan at respeto, at nagpapahiwatig din na yaong nananalangin ay hindi isinasaalang-alang ang kaniyang kaliitan kung ihahambing kay Jehova.​—Genesis 18:27; ihambing ang Lucas 18:9-14.

Totoo na ang mga Kristiyano ay hinihimok na magkaroon ng matalik na kaugnayan kay Jehova. Iniibig natin siya at siya ang ating makalangit na Ama. (Mateo 6:9; 22:37) Sa katunayan, may mga tao na maaaring tawaging kaniyang mga kaibigan. (Santiago 2:23) Isa pa, tayo’y inaanyayahan na makipag-usap kay Jehova nang buong kalayaan at ipahayag sa kaniya ang ating kaloob-loobang mga kaisipan at mga suliranin.​—Awit 55:1, 2; Filipos 4:6; Hebreo 4:16; 1 Juan 3:21, 22.

Gayumpaman, si Jehova ay humihiling ng wastong saloobin para sa mga lalapit sa kaniya. Sinabi niya: “Ang taong ito ang titingnan ko, ang isang dukha at may nagsisising kalooban at nanginginig sa aking salita.” (Isaias 66:2) Ang kataimtiman ay isa ring kahilingan. “Manumbalik kayo sa akin ng inyong buong puso,” ang sabi ni Jehova sa kaniyang bayan. (Joel 2:12, 13) Sa harap niya ay wala tayong maipagmamalaki, wala tayong dahilan na magmataas, walang karapatan din na mag-utos sa kaniya.

Nagbibigay pa rin ang Bibliya ng ganitong payo sa mga mananalangin kay Jehova: “Kinatatakutan nga siya ng mga tao. Hindi niya binibigyang pitagan ang sinomang pantas sa kaniyang sariling puso.” “Kaniyang tutuparin ang nasa niyaong mga natatakot sa kaniya, at kaniya ring didinggin ang kanilang mga daing, at kaniyang ililigtas sila.” (Job 37:24; Awit 145:19; tingnan din ang Awit 39:5, 12.) Kung gayon, bagaman si Jehova ay laging handa na makinig sa ating mga panalangin, ang paraan ng ating pakikipag-usap sa kaniya ay dapat magpakita ng ating pagkadama na tayo’y di-karapatdapat, at ng ating malaking paggalang sa kaniya. Ang anomang paglapit na naiiba riyan ay nagpapahiwatig ng kapalaluan, kawalan ng pagpapakumbaba, o ng kataimtiman.

Kung minsan ang mga bata sa kanilang mga panalangin ay gumagamit ng labis-labis na pamilyar na mga pananalita na anupat kahit mga magulang nila ay napapangiti. Ang gayong mga pananalita ay nagpapakilala lamang ng kawalang-malay ng mga bata at ng kung paanong tunay na tunay sa kanila si Jehova. Subalit, para sa mga taong may gulang na nakakaalam kung ano ang nasasangkot, sila’y dapat umiwas sa di-katinuan. Sila’y dapat lumapit kay Jehova nang taimtim, may paggalang, pagpapakumbaba, dangal at pagkaseryoso.​—1 Corinto 13:11.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share