Pang-araw-araw na Teksto Para sa Disyembre
16 Nang tanggapin ninyo ang salita ng Diyos, na narinig ninyo sa amin, tinanggap ninyo ito, hindi gaya ng salita ng mga tao, kundi, gaya ng kung ano nga ito, gaya ng salita ng Diyos, na gumagawa rin sa inyo na nagsisisampalataya.—1 Tes. 2:13. b 9/15/84 19, 20
17 Ang puso ng kaniyang asawa ay tumitiwala sa kaniya, at siya’y hindi kukulangin ng pakinabang.—Kaw. 31:11. b 10/15/84 13, 14b
18 Ngayo’y idinadalangin namin sa Diyos na huwag sana kayong makagawa ng masama. Hindi upang kami’y magtingin na subok na, kundi upang gawin ninyo ang mabuti, kahit kami’y magtinging itinakuwil.—2 Cor. 13:7. b 11/1/84 16, 17
19 Ako’y kumapit nang mahigpit sa iyong mga paalaala. Oh Jehova, huwag mo akong ilagay sa kahihiyan.—Awit 119:31. b 12/15/84 3, 4a
20 Panginoon, isasauli mo baga ang kaharian ng Israel sa panahong ito?—Gawa 1:6. b 6/1/85 14, 15a
21 At ang mga Levita . . . ay nagsitayo upang purihin si Jehova na Diyos ng Israel ng totoong malakas na tinig.—2 Cron. 20:19. b 1/1/85 13, 14a
22 Ang mga paraan na aking sinusunod bilang ministro at apostol ni Kristo sa pagganap sa aking tungkulin.—1 Cor. 4:17, Greek English Lexicon of the New Testament, b 2/15/85 5-7a
23 Hindi gaya ni Cain, na nagmula sa balakyot at pinatay niya ang kaniyang kapatid. At dahil sa ano kung kaya niya pinatay? Sapagkat ang kaniyang sariling mga gawa ay balakyot, ngunit yaong sa kaniyang kapatid ay matuwid.—1 Juan 3:12. b 4/15/85 14, 15
24 Ang sambahayan ng Diyos . . . na siyang kongregasyon ng Diyos na buháy, ang haligi at suhay ng katotohanan.—1 Tim. 3:15. b 5/1/85 17a
25 Huwag kang makipagkaibigan sa sinomang magagalitin; at sa taong may silakbo ng galit ay huwag kang sasama, upang huwag kang matuto ng kaniyang lakad at masilo nga ang iyong kaluluwa.—Kaw. 22:24, 25. b 2/1/85 14, 15a
26 Magsihanap kayo ng kabutihan, at huwag kasamaan . . . Inyong kapootan ang masama at ibigin ang mabuti.—Amos 5:14, 15. b 5/15/85 15-18
27 Taglayin ninyo ang ganoon ding pakikipagpunyagi na inyong nakita sa akin at ngayo’y nababalitaan ninyo tungkol sa akin.—Fil. 1:30. b 6/15/85 13-15
28 Maligaya kayong mga tao na naghahasik ng binhi sa siping ng lahat na tubig, na nagpapalakad ng mga paa ng toro at ng asno.—Isa. 32:20. b 11/15/84 15, 16a
29 Tayo;y hindi doon sa mga nagsisibalik sa kapahamakan, kundi doon sa mga may pananampalataya sa ikaliligtas ng buháy ng kaluluwa.—Heb. 10:39. b 12/1/84 21, 22, 24a
30 Ako’y isang munting bata lamang. . . . Bigyan mo nga ang iyong lingkod ng masunuring puso upang humatol sa iyong bayan, upang aking makilala ang pagkakaiba ng mabuti at masama; sapagkat sino ang makahahatol dito sa iyong bayang mahirap hatulan?—1 Hari 3:7, 9. b 7/15/84 5, 6a
31 Ang sanlibutan ay lumilipas at ang pita niyaon, datapuwat ang gumagawa ng kalooban ng Diyos ay nananatili magpakailanman.—1 Juan 2:17. b 4/1/85 15