Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w86 11/15 p. 30
  • Balaam—Kasaysayan o Alamat?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Balaam—Kasaysayan o Alamat?
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1986
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1986
w86 11/15 p. 30

Balaam​—Kasaysayan o Alamat?

SANG-AYON sa aklat ng Bibliya na Mga Bilang, si Balaam na anak ni Beor ay isang propeta na nagpapaupa. (Bilang, kabanata 22-24) Sa katunayan ang kaniyang pangalan ay lumilitaw sa walong iba’t-ibang aklat sa Bibliya, kasali na ang mga liham ng mga manunulat Kristiyano na sina Pedro at Judas. Si Balaam ay nabuhay noong ika-15 siglo B.C.E. sa gawing itaas ng Libis Euprates. Siya’y nagpaupa ng kaniyang sarili kay Balak, hari ng Moab, na ang hangad ay sumpain niya ang bansang Israel. Ngayon, si Balaam ba ay isang makasaysayang tao o isa lamang inimbento ng mga Judio?

Ayon sa pagkaulat sa Biblical Archaeology Review (Setyembre/Oktubre 1985), ang mga arkeologong gumagawa sa gitnang Jordan Valley ay nagbigay ng mga ilang kahanga-hangang patotoo na si Balaam ay talagang umiral. Sila’y naghuhukay sa Tell Deir Alla, sa gawing hilaga ng ilog na tinatawag sa Bibliya na Jabbok, nang sila’y makatuklas ng mga ilang piraso ng plaster na may sinaunang sulat Semitico. Noong nakalipas na mga ilang taon ang mga pirasong ito ng plaster ay maingat na pinag-aralan upang alamin ang petsa, tinipon, at binasa ang mga nakasulat doon.

Ang Pranses na mananaliksik na si André Lemaire ay nagsasabi na ang mga piraso ng plaster ay sinubok ayon sa radiocarbon dating, at ganito ang sabi niya: “Ayon sa mga pagsubok na ito, ang mga sulat na narito ay dapat petsahan ng 800 B.C., at dagdagan o bawasan ng 70 taon.” At ano ang sinasabi nito? Ayon sa ginawa ni Lemaire na pagsusuri, ang isang bahagi ng teksto ay kababasahan (ang mga letra na nasa mga panaklong ay inilagay kapalit ng nawalang mga piraso):

“1. Sulat ni [Ba]laam [anak ni Beo]r, ang tao na propeta ng mga diyos. Lo, ang mga diyos ay lumapit sa kaniya sa gabi at [nakipag-usap sa] kaniya. 2. Ayon sa [mga] salitang ito, at kanilang sinabi kay [Balaa]m, anak ni Beor . . . at siya‘y nanangis 4. Matindi at ang kaniyang mga mamamayan ay naparoon sa kaniya at ang sa[bi] kay Balaam, anak ni Beor: ‘Bakit ka nag-aayuno at bakit ka nananangis?’”

Maliwanag na ang teksto ay maaaring basahin ng publiko mga 2,800 taon na ngayon ang nakalipas yamang ito’y bahagi ng isang may kahabaang sulat sa pader. Bagaman mayroong mga patlang sa teksto, si Balaam ay malinaw na binanggit. Bagama’t ang pagkasulat ay mga pitong daang taon pagkatapos ng mga pangyayari, si Balaam ay maliwanag nga na isang makasaysayan tao at isang propeta.

Ang mga sulat na ito sa pader ay kung ilang mga daang taon na mas malapit sa mga pangyayaring inilalahad sa Bibliya kaysa pinakamatandang mga manuskrito na kasalukuyang ginagamit. Ang mga ito ay isa pang ebidensiya na maidadagdag sa patotoo na ang Bibliya ay isang mapanghahawakang rekord ng sinaunang kasaysayan.​—2 Timoteo 3:16, 17.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share