Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w86 12/15 p. 3-4
  • Pasko—Panahon ng Kapistahan Para sa mga Taga-Silangan

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Pasko—Panahon ng Kapistahan Para sa mga Taga-Silangan
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1986
  • Kaparehong Materyal
  • Dapat Mo Bang Ipagdiwang ang Pasko?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1986
  • Ang Pasko—Bakit Totoong Popular sa Hapón?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1991
  • Ano ang Kahulugan sa Iyo ng Pasko?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1994
  • Bakit Hindi Nagdiriwang ng Pasko ang mga Saksi ni Jehova?
    Karaniwang mga Tanong Tungkol sa mga Saksi ni Jehova
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1986
w86 12/15 p. 3-4

Pasko​—Panahon ng Kapistahan Para sa mga Taga-Silangan

NAGLALAKIHANG mga Christmas tree, pagkaliliwanag na mga ilaw, may makukulay na mga palamuti​—ito’y makikita sa bawat shopping center at mga department store. Maririnig mo rin ang pagkalalakas na mga Christmas carol sa mga loudspeaker, at mga pag-aanunsiyo na nanghihimok sa mga tao na higit at higit na magsibili. Mga lalaki at mga babae na nakasuot Santa Claus ang paroo’t parito sa mga kalye na nag-aalok ng mga umano’y baratilyong mga kalakal. Ito ba’y isang tanawin sa isang bansang “Kristiyano”? Hindi, ito ay sa Hapon, na kung saan wala pang isang porsiyento ng populasyon ang nag-aangkin na mga Kristiyano.

Gayundin, sa karatig na isla ng Taiwan, kapuwa ang “mga Kristiyano” at mga di-Kristiyano ay nagdiriwang ng Pasko sa pamamagitan ng kanilang kinaugaliang pag-aaginaldo. At sa mga pamayanang Intsik sa Malaysia, ang pagpapaputok ng mga rebentador ang nagdaragdag ng isang bagong pitak sa mga kasayahan ng “Kristiyanong” kapistahan.

Bakit nga ba ang mga taong ito’y nagdiriwang ng Pasko? Sila ba’y naniniwala sa Pasko? O sila ba’y naniniwala sa mga kasayahan ng Pasko? Ipinakikita ng ebidensiya na “kumain, uminom, at magpakasaya” ang mensahe na kanilang nakakamit sa selebrasyon ng Pasko. Marami ang sumusunod sa “Kristiyanismo” kung Disyembre 24 at 25 ngunit sila’y bumabalik sa kanilang sariling paraan​—Budhismo, Shintoismo, Taoismo, at anuman iyon​—sa kinabukasan. Subalit, paano nga na ang mga tao na may iba’t ibang relihiyon ay posibleng makibahagi sa isang “Kristiyanong” kapistahan?

Nang isang munting batang lalaki sa Hapon ang tinanong tungkol sa kung siya’y naniniwala kay Santa Claus, siya’y sumagot, ‘Ako’y naniniwala kay Santa Claus sapagkat binigyan niya ako ng maraming laruan.’ Sa kaniyang sagot ay mababanaag ang kaisipan ng marami sa Silangan: ‘Maging bukas-isip. Huwag maging masyadong mahigpit tungkol sa relihiyon. Kung ikaw ay makakakuha ng isang bagay roon, samantalahin mo. Subalit ilagay mo iyon sa lugar upang huwag makaapekto sa mga ibang pitak ng iyong buhay.’

Ang ganitong paraan ng pag-iisip ay maliwanag na makikita sa isang surbey na isinagawa ng isang pangunahing pahayagang Hapones. Isa sa mga tanong na iniharap ay: “Sa Hapon, karaniwan na para sa isang tao ang sumali sa iba’t ibang pagdiriwang relihiyoso tulad halimbawa ng omiyamairi [isang Shintoistang pagdiriwang tungkol sa paglaki ng mga bata], ohigan [isang makalawa isang taon na rituwal ng mga Budhista upang alalahanin ang mga namatay], at Pasko. Sa palagay mo ba ay hindi ito nararapat?” Mayroon lamang 19 porsiyento ang sumagot ng ‘di-nararapat.’ Kahit na sa mga taong nag-aangking Kristiyano, 60 porsiyento ang may paniwala na wala namang masama sa selebrasyon ng mga kapistahan ng iba’t ibang relihiyon.

Ang mentalidad na ito ay humahantong sa isang kakatuwang relihiyosong paniniwala​—marami ang nag-aangkin na mga tagapagtaguyod ng mahigit kaysa isang relihiyon. Sang-ayon sa Agency for Cultural Affairs, ang kabuuan lahat-lahat ng mga tagapagtaguyod ng mga grupong relihiyoso sa Hapon ay 207,080,000 noong dulo ng 1982, samantalang ang tinatayang populasyon ng Hapon noong 1982 ay mayroon lamang 118,600,000. Ito’y nangangahulugan na ang lahat-lahat na miyembro ng mga relihiyon sa Hapon ay umabot sa 170 porsiyento ng kabuuang populasyon!

“Imposible!” ang marahil ay ibubulalas ng mga tao sa monotheistikong mga kultura. Subalit ang ganiyan ding dalawang panig na paniniwala tungkol sa relihiyon ang umiiral sa Kanluraning paraan ng pagdiriwang ng Pasko. Paano nga mangyayari ito? At kung gayon, ikaw ba ay dapat magdiwang ng Pasko?

[Larawan sa pahina 3]

Kabuuang miyembro ng mga relihiyon sa Hapon: 207,080,000

Kabuuang populasyon ng Hapon: 118,600,000

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share