“Masunurin sa Kaniyang Relihiyon”
Samantalang ang mga kagawaran ng gobyerno ay naging napakalaking tulong sa proyekto ng pagtatayo sa Nigeria ng Watchtower Society, may mga pahayagan at mga pinuno ng relihiyon na nagsikap na gambalain ang mga Saksi ni Jehova tungkol sa isyu ng neutralidad. Subalit, may mga pahayagan na nagbigay ng kanilang komendasyon. Isang manunulat, na abogado, ang nagtanong kung ang mga Saksi ni Jehova ay “naglalarawan ng kanilang sarili bilang talagang di-makabayan.” Sa pagbibigay ng kaniyang sariling kasagutan, sinabi niya: “Ang mga Saksi ay mga mamamayan na nagbabayad ng buwis at masunurin sa batas. Sinumang . . . Saksi na masunurin sa kaniyang relihiyon hanggang sa sukdulan na sinusunod niya ito kahit na mapasapanganib siya na maiwala ang mga ilang pribilehiyo ay magiging masunurin din sa karamihan ng iba pang mga bagay . . . Ang dahilan kung bakit siya’y tumatangging magnakaw ng salapi ng gobyerno samantalang ang iba niyang mga kasamahan . . . ay kumakanta ng pambansang awit ngunit lumulustay naman ng mga pondo ng iba ay sapagkat ang kaniyang Bibliya na sumasansala sa kaniya ng pagkanta ng pambansang awit ang nagsasabi rin na hindi siya dapat na magnakaw.”