Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w87 3/1 p. 32
  • Nasisiyahan Dito ang Isang Katoliko

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Nasisiyahan Dito ang Isang Katoliko
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1987
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1987
w87 3/1 p. 32

Nasisiyahan Dito ang Isang Katoliko

Isa sa mga Saksi ni Jehova ang naputukan ng goma ng sasakyan sa isang kabukiran sa Virginia, E.U.A. Isang bahay ang karatig, at ang babaing Saksi ay tumuktok sa pinto. Pinapasok naman siya ng ginang ng tahanan at tumawag ito ng makapaglilingkod sa kaniya sa gayong suliranin niya. Nang maglaon ang Saksi ay nagpadala ng isang sulat ng pasasalamat, at nilakipan niya iyon ng isang regalong kopya ng aklat na Maaari Kayong Mabuhay Magpakailanman sa Paraiso sa Lupa. Ang sumusunod, sa isang bahagi, ang tugon na kaniyang tinanggap:

“Ako’y prangkahang mangusap at tatapatin na kita. Ako’y isang Romano Katoliko. At kailanma’t may pumarito sa amin na taglay ang Bantayan o anupamang ibang pulyeto, hindi ko tinatanggap ang mga iyon. Kung sakaling ako’y pilit na bigyan nito, itinatapon ko ito sa basurahan. Ang Katolisismo’y malalim ang pagkatanim sa akin at ito’y sapol pa nang ako’y isang munting bata.

“Gayunman, ako’y naakit sa inyong aklat sapagkat mayroon ito ng ‘Paraiso’ na bahagi ng titulo at malinaw at madaling basahin. Ang mga tanong sa gawing ibaba ng mga pahina ay pampasigla para basahin ang mga ito, at ang mga larawan ay umakit sa akin. Ang lalung-lalo nang kinagiliwan ko ay ang pahina 11 sapagkat nagsisikap ako na lumikha ng gayong paraiso rito para sa mga ibon at mga hayop. Ako’y may mga usa, koneho, chipmunks, ardilya, mga pabong ligaw at lahat ng uri ng ibon. . . .

“Talagang nagtagumpay ka sa paghimok sa isang Katoliko na bumasa ng aklat ng ibang relihiyon. Ha! Ewan ko kung ako’y makukumberte pa sa ibang relihiyon. Ngunit binabasa ko ang aklat, at binabasa ngayon ng mister ko. Salamat uli!”

Ang mainam na publikasyong ito ay may 256 pahina, sinlaki ng magasing ito, at punô ng mahigit na 150 mga larawan, ang karamihan ay nasa magagandang kulay. Magpadala lamang ng ₱35; ang pambulsa ang laki ay ₱17.50.

Pakisuyong padalhan ako, libre-bayad sa koreo, ng aklat na Maaari Kayong Mabuhay Magpakailanman sa Paraiso sa Lupa. Markahan ang kaukulang mga kahon kung ibig ninyo ng malaking edisyon sa abuloy na ₱35 [ ] o kung ibig ninyo ng pambulsang edisyon sa abuloy na ₱17.50 [ ] at ilakip ang kaukulang abuloy.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share