Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w87 5/1 p. 3
  • Ang Lahat ba ng Hula ay Galing sa Diyos?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ang Lahat ba ng Hula ay Galing sa Diyos?
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1987
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Ano ang Hula?
  • Ano ba ang Layunin ng Hula?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1987
  • Mahalaga ba Kung Papaano Ka Sumasamba?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1994
  • Hula
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Kung Bakit Ka Makapagtitiwala sa Hula ng Bibliya
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1999
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1987
w87 5/1 p. 3

Ang Lahat ba ng Hula ay Galing sa Diyos?

“ANG Diyos . . . ay dapat nating isipin na napakalaki at sinlaki ng sansinukob upang ilagay ang Kaniyang sarili sa isa lamang relihiyon, isang landas o, sa bagay na iyan, sa isa lamang bayan.” Ganiyan ang isinulat ng isang pilosopo sa The Guardian, isang pahayagan sa Nigeria. Kaniyang tinutukoy na ang tradisyunal o kinamulatang mga relihiyon sa Aprika ay isiniwalat ng Diyos para sa situwasyon sa Aprika at kaniyang sinasabi na ang mga ibang dakilang relihiyon ay nabuo upang ibagay sa lokal na mga kalagayan.

Sa mga tradisyunalista ang pagkakita nila sa Kristiyanismo ay isa itong relihiyon sa Europa at ang tradisyunal na mga manghuhula ay tunay na mga propeta. Isang liham sa Daily Times ng Nigeria ang nagsasabi: “Ang Diyos na Makapangyarihan-sa-lahat ay naghahayag ng kaniyang sarili sa iba’t ibang panahon sa iba’t ibang mga bayan . . . Ang mga pantas ng daigdig ay nagrireklamo na ang Kataas-taasang Isa ay kasalukuyang naghahayag ng Kaniyang sarili sa Aprika.” Mayroon pa ring iba na umaasa na magkakaroon ng isang propetang taga-Aprika, na nakakatulad ni Jesus at, ayon sa sabi ng iba, si Muhammad.

Ang mga kuru-kurong ito ay nagbabangon ng mga tanong na gaya nito: Ang lahat ba ng hula ay galing sa Diyos? Siya ba ang nagsiwalat ng iba’t ibang mga paniwalang relihiyoso na tagapagbaha-bahagi sa daigdig? Siya ba’y may iba’t ibang mga kahilingan tungkol sa relihiyon para sa iba’t ibang mga lahi? O mayroon bang tunay at di-tunay na mga propeta, at tunay at di-tunay na mga relihiyon? Ano bang talaga ang tunay na hula, at ano ang layunin niyaon?

Ano ang Hula?

Sang-ayon sa Webster’s Ninth New Collegiate Dictionary ang ibig sabihin ng hula ay “ang kinasihang kapahayagan ng kalooban at layunin ng Diyos. 2: isang kinasihang pagpapahayag ng isang propeta 3: prediksiyon ng isang bagay na darating.” Ito’y nagpapahiwatig na maaaring magkaroon ng iba’t ibang pinanggagalingan ng mga hula.

Sa pagtatanggol sa kinamulatang mga relihiyon, isang propesor sa pamantasan sa mga araling panrelihiyon, si E. Bolaji Idowu, ang bumanggit tungkol sa “sarisaring paniwala tungkol sa Diyos sa Aprika.” Ang kaniyang aklat na African Traditional Religion ang nagpapaliwanag na ito ay “karaniwan nang nagdiriin at kumukuha ng batayan sa kaayusan ng lipunan at sa kapaligiran nito.” Halimbawa, sinasabi niya na “samantalang sa kalakhan ng Aprika, ang Diyos ay inaakala na isang lalaki, may mga sambayanan [lalo na sa mga pamayanang ina ang dominante] na kung saan siya ay itinuturing na isang babae.” Ang ganiyan kayang lokal at nagkakasalungatang mga kuru-kuro ay kinasihan ng Diyos? Tinatanggap ni Propesor Idowu na “walang anuman na hahadlang . . . sa anumang . . . lahi sa Aprika sa pagbuo ng kaniyang sariling kuru-kuro tungkol sa Diyos.” Ipinahihiwatig nito na ang gayong relihiyosong mga kuru-kuro ay nanggagaling sa mga ideya at obserbasyon ng tao imbis na ito’y mga pagsisiwalat na nanggagaling sa Diyos.​—Ihambing ang Roma 1:19-23.

Ang mga tradisyunal na manghuhula at mga orakulo ay hindi nagsisiwalat ng personalidad ng tunay na Diyos o ng kaniyang kalooban at layunin. Ang mga ito ay tungkol sa mga pagbabawal at mga ritwal na hinihiling ng sarisaring lokal na “mga diyos.” Ang kanilang mga prediksiyon ay nakasalig sa mahiwagang kaalaman at panghuhula-hula. Samakatuwid, ang gayong mga hula ay hindi kinasihang mga kapahayagan ng kalooban ng Diyos. Ang Diyos na Makapangyarihan-sa-lahat, na kumakasi sa tunay na hula, ay hindi siyang pinagmumulan ng mga ito.​—2 Pedro 1:20, 21; Deuteronomio 13:1-5; 18:20-22.

Kung gayon, ano ang pinagmumulan ng gayong mga hula? Pakisuyong basahin ang susunod na artikulo para sa kasagutan sa tanong na ito at sa mga iba pang ibinangon sa may bandang unahan ng artikulong ito.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share