“Saglit man ay Hindi Ako Pinatahimik ng Anak Ko”
GANIYAN ang sinabi ng isang ama nang siya’y pumunta sa tanggapang-sangay ng Watch Tower Society sa Peru kamakailan. Ang kaniyang paliwanag:
“Ako’y pinupurwisyo ng aking munting anak na lalaki kung mga ilang linggo na ngayon, sapagkat ibig niyang ikuha ko siya ng Ang Aking Aklat ng mga Kuwento sa Bibliya. Mula nang magkaroon nito ang isa niyang kamag-aral, saglit man ay hindi ako pinatahimik ng anak ko. Kung saan-saan ako nakakarating sa paghanap ng mabibilhan nito. Wala akong bahagya mang ideya kung saan makukuha ito. Naghanap na ako sa mga tindahan ng aklat pero walang resulta.
“Binanggit ko ito sa isa kong kasamahan sa opisina, at sinabi sa akin na doon ako makakabili nito sa mga Saksi ni Jehova. Ang sabi ko, ‘Oh, hindi! Hindi ang mga taong iyan. Sa tuwina’y nagpupunta sila sa amin, at palaging pinagsasarhan ko sila ng pinto.’ Ngunit kaniyang kinumbinse ako na hindi naman kayo tantong kasamaan—ang totoo, kaniya pang pinuri kayo at sinabi na ang aklat na hinahanap ko ay talagang mabuti. Kaya’t narito ako. Bigyan ninyo ako ng aklat na iyan.”
Inaakala namin na kayo man ay magkakagusto sa magandang aklat na ito na may mga larawan at malalaking letra. Ang 116 mga kuwento nito sa Bibliya ay nagbibigay sa mambabasa ng ideya na kung ano nga ang nilalaman ng Bibliya.
Pakisuyong padalhan ako, libre-bayad-sa-koreo, ng pinabalatang publikasyon na Ang Aking Aklat ng mga Kuwento sa Bibliya, kaya naglakip ako ng ₱35.00.