Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w87 8/15 p. 30
  • Ang Kahulugan ng mga Balita

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ang Kahulugan ng mga Balita
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1987
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Ang mga Klerigo at ang AIDS
  • Maling Alulod
  • Pangangapa sa Dilim
  • Kung Bakit Lubhang Lumaganap ang AIDS?
    Gumising!—1988
  • Pagtulong sa mga May AIDS
    Gumising!—1994
  • Kung Paano Pinagtatagumpayan ng mga Doktor ang AIDS
    Gumising!—1991
  • Sino ang Nasa Panganib?
    Gumising!—1986
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1987
w87 8/15 p. 30

Ang Kahulugan ng mga Balita

Ang mga Klerigo at ang AIDS

“Ang mga Kaso ng AIDS Ay Dumarami sa mga Klerigong Katoliko” ang titulo ng isang artikulo na napalathala sa International Herald Tribune. Iyon ay nag-ulat: “Bagama’t imposible na maglabas ng dokumento tungkol sa lawak ng problema, ang mga manggagamot, mga klerigo at mga social worker sa maraming siyudad sa buong bansa ay nagsabi na ang bilang ng mga klerigong Katoliko na apektado ng AIDS ay dumarami, . . . Ang lumalaganap na kaalaman na kasali sa mga biktima ng [AIDS] ang mga klerigong Katoliko ay nagharap ng isang problema para sa simbahan dahilan sa implikasyon na ang ibang mga pari at mga manong ay hindi lamang sumira ng kanilang mga panata ng di-pag-aasawa kundi sila’y nahulog din sa mga gawang homoseksuwal na labag sa mga batas ng simbahan.”

Subalit, ang pagsira sa mga panata ng di-pag-aasawa ay hindi siyang tanging masisisi, sapagkat maging ang mga relihiyon na ang mga ministro’y pinapayagan na magsipag-asawa ay nag-ulat ng mga kaso ng AIDS sa gitna ng kanilang klero. Ang report ding iyan ay nagsiwalat na “ang AIDS ay nakaapekto sa maraming mga Amerikano, kasali na ang mga rabbis, mga paring Episcopal, mga ministrong Baptist at iba pang mga klerigo.”

Sa bagay, hindi lahat ng mga klerigo na may AIDS ay mga homoseksuwal o bakla. Ang AIDS ay maaaring makahawa sa pamamagitan ng normal na pakikipagtalik at sa pamamagitan ng pagsasalin ng dugo. Gayunman, ang gayong mga kaso ng mga klerigo ay nagpapakita ng maaaring mangyari pagka ang mga indibiduwal ay hindi sumusunod sa malinaw na alituntunin na pinagtibay ng konsilyo noong unang siglo sa Jerusalem, samakatuwid baga, “lumayo . . . . sa dugo, sa karne ng mga hayop na binigti, at sa labag sa batas na pakikipagtalik.”​—Gawa 15:29, The New American Bible (Katoliko).

Maling Alulod

“Ibigin ang iyong sarili; ikaw ay Dios.” Isang kakatwang mensahe, marahil ay sasabihin mo? Totoo nga, subalit, kung para sa dumaraming mga tao na naghahanap ng isang maihahalili sa tradisyonal na relihiyon, ang mensahe ay nagiging popular. Ang mga salitang iyan, na binigkas ng 27-taóng-gulang na ginang ng tahanan sa California na si Penny Torres, ay sinasabing aktuwal na binigkas ni Mafu, “isang lubhang napaunlad na ‘kinapal buhat sa ikapitong dimensiyon’ na ang huling pagkakatawang-tao ay bilang isang ketongin sa Unang Siglong Pompeii,” at si Torres ay nagsilbing isang “alulod,” ayon sa pag-uulat ng Los Angeles Times. Si Torres ay isa sa mga ilang tao sa Estados Unidos na nagsisilbing “alulod” para sa “mga patay na espiritu” na nagtuturo na ang bawat isa’y kaniyang sariling Diyos.

Ang “mga alulod,” sang-ayon sa Times, ay “mga medyum na sadyang pumapasok sa isang medyo may malay o walang anumang malay na kalagayan pagka wala na ang diwa upang makipagtalastasan sa di-nakikitang ‘daigdig ng mga espiritu’ ” o “extraterrestrials.” Sa ganitong katayuan, maaari silang tawagan upang magpayo o magbigay ng kasagutan sa mga tanong tungkol sa personal na mga bagay-bagay. Tinataya na sa Los Angeles lamang ay mayroong singdami ng 1,000 mga tao na nag-aangking mga alulod. Bakit may biglang-biglang interes sa mga alulod? Sa The Miami Herald, si Ronald F. Thiemann, dekano ng Harvard Divinity School, ay nagsasabi na “ang teolohiya ay naging totoong lumalayo kung tungkol sa intelektuwal na buhay ng mga Amerikano.”

Mga ilang siglo ang aga, ang Israel ay binigyang babala ni Moises: “Huwag makakasumpong sa iyo ng sinuman . . . na kumukunsulta sa isang espiritistang medyum o isang propesyonal na manghuhula ng mga mangyayari o yaong sinuman na nakikipagtalastasan sa mga patay.” Ang dahilan? “Sinumang gumagawa ng mga bagay na ito ay kasuklam-suklam kay Jehova.”​—Deuteronomio 18:10-12.

Pangangapa sa Dilim

Ang mga miyembro ng ISSOL (International Society for the Study of the Origin of Life) ay nagtipon noong nakalipas na taon sa Berkeley, California, para sa kanilang ikawalong komperensiya. Pagkatapos na kilalanin na kailangan ang isang “may kritisismo sa sariling pag-alam ng mga nakamit na tagumpay hanggang sa petsang ito,” ang kasamang pundador ng ISSOL na si Propesor Klaus Dose ay nagsabi sa Naturwissenschaftliche Rundschau, isang siyentipikong magasing Aleman, na ang mga taon ng pananaliksik ay walang nagawa sa mga ebolusyonista upang maunawaan ang pinagmulan ng buhay.

Sumulat si Propesor Dose: “Marahil walang disiplina ng natural na siyensiya na nagpapakitang yao’y naiiba sa pamamagitan ng sari-saring nagkakasalungatang mga ideya, hypotheses, at mga teoriya na di gaya ng buong larangan ng ebolusyon ng buhay. Noong 1986, mahigit na 30 taon pagkatapos na sa simula’y magandang pasimula ng panahon ng simulation experiments, halos mahirap na ring ituro ang anumang katibayan sa pagpapaliwanag ng aktuwal na mekanismo sa pinagmulan ng buhay kaysa ginawa ni Ernst Haeckel 120 mga taon na ang lumipas. Sa kasamaang palad, dapat kilalanin na ang mga resulta ng simulation experiments ay, sa malawakang pagsasalita, malayo sa buhay kay sa mga sustansiya na bumubuo ng coal tar.” Sa nakakatulad na paraan, ang propesor ng New York University na si Irving Kristol ay sumulat na “ang paunti-unting pagbabago ng populasyon ng isang uri tungo sa ibang uri ay isang biolohikong hypotheses, hindi isang biolohikong katotohanan.”

Samantalang ang mga ebolusyonista ay patuloy na nangangapa para sa mga kasagutan, ang paliwanag ng Bibliya ay angkop sa lahat ng kilalang mga katotohanan. Gaya ng isinulat ng manunulat ng Bibliya na si David taglay ang matatag na pananalig: “Sapagkat nasa iyo [Diyos] ang bukal ng buhay.”​—Awit 36:9.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share