Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w87 8/15 p. 32
  • ‘Gustung-gusto Iyon ng mga Bata’

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • ‘Gustung-gusto Iyon ng mga Bata’
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1987
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1987
w87 8/15 p. 32

‘Gustung-gusto Iyon ng mga Bata’

Angaw-angaw na mga pamilya ang nasisiyahan sa Ang Aking Aklat ng mga Kuwento sa Bibliya. Ang 116 na mga kuwento sa Bibliya ay nagbibigay sa mambabasa ng kaalaman sa kung ano ang nilalaman ng Bibliya. Maaga nang taóng ito isang tao buhat sa Western Australia ang nagpakita ng kung gaano kaepektibo ang aklat, at ang sabi:

“Ako’y isang propesyonal na guro at hinahangad ko na bigyang inspirasyon ang mga bata na aking tinuturuan na lahat ng kanilang pinag-aaralan ay iukol sa Diyos at kay Jesus, gaya ko rin sa aking pagtuturo sa mga bata. Inugali ko na basahin sa klase ang inyong ‘Aklat ng mga Kuwento sa Bibliya’ na binili ko sa isa sa inyong kasamahang Saksi. Gusto ng mga bata ang aklat, ang mga kuwento nito, at hinihiling nila na basahan ko pa sila pagka ibinaba ko ang aklat.”

Mayroon ka bang mga batang nakikilala na magkakagusto rin sa Ang Aking Aklat ng mga Kuwento sa Bibliya? Puwede kang tumanggap ng isang kopya kung iyong susulatan at ihuhulog sa koreo ang kupon sa ibaba. Ang aklat ay may 256 na pahina, ang pahina’y kasinlaki ng magasing ito. Ito’y mayroong mahigit na 125 malalaking larawan, karamihan sa mga ito’y may magandang kulay.

Pakisuyong padalhan ako, libre-bayad sa koreo, ng pinabalatang aklat na Ang Aking Aklat ng mga Kuwento sa Bibliya, kaya’t naglakip ako ng ₱35.00.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share