Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w88 1/15 p. 32
  • Musika na Nagbibigay-Ginhawa

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Musika na Nagbibigay-Ginhawa
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1988
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1988
w88 1/15 p. 32

Musika na Nagbibigay-Ginhawa

Isang may kabataang ina na taga-Iowa, E.U.A., ang nagpaliwanag: “Ako’y sumulat upang sabihin ko sa inyo ang nagawa sa akin at sa aking pamilya ng inyong tapes [ng piano] na ‘Sing Praises to Jehovah.’ Araw-araw, aking ipinaghehele ang aking tatlong-taóng anak upang makatulog. Subalit una muna ay nagpapatugtog kami ng isang tape, at pagkatapos ay kinukuha ko ang aklat-awitan at umaawit ako habang siya’y unti-unting nakakatulog.”

Ibinida ng inang ito ang wala pa sa panahong pagkapanganak niya sa kaniyang bunso at ang hirap na dinanas nito sa isang respirator, na kung saan siya’y may tubo na nakakabit sa kaniyang lalamunan. Ganito ang bida niya: “Itinanong ko sa mga nars kung kami’y puwedeng magdala ng isang tape player at mga ilang maaaring patugtuging tape para sa anak ko. Sinabi nila na puwede naman. Hindi makapaniwala ang mga nars kung paanong tumulong sa kaniya ang mga tape upang maginhawahan. Sinabi nila na tuwing siya’y mamimirhuwesiyo, wala silang gagawin kundi magpatugtog ng kaniyang musika para sa kaniya. Isang nars ang nagsabi pa mandin: ‘Sana’y mayroon tayo ng ganitong uri ng musika para sa lahat ng sanggol. Napakaganda. Walang naririnig ang mga sanggol na ito kundi ang tunog ng kanilang mga monitor.’”

Talaga naman, marami ang natulungan ng musikang ito upang magsilbing pampaginhawa sa kanilang kaluluwa. Ang magandang album na pinamagatang “Sing Praises to Jehovah,” na may walong cassette, ay maaaring mapidido sa abuloy na ₱225.00 lamang. Tatanggapin ninyo ang inyong album kung susulatan ninyo at ihuhulog sa koreo ang kupon na nasa ibaba kasali na ang inyong abuloy.

Pakisuyong padalhan ako, libre-bayad sa koreo, ng album na “Sing Praises to Jehovah” na may walong cassette tapes sa musika. Ako’y naglakip ng ₱225.00. (Sa labas ng Pilipinas, sumulat sa lokal na sangay ng Watch Tower para sa impormasyon.)

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share