Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w88 3/15 p. 21
  • Sulong, Kayong mga Saksi!

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Sulong, Kayong mga Saksi!
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1988
  • Kaparehong Materyal
  • Anong Laking Kagalakan ang Maupo sa Hapag ni Jehova!
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1991
  • Sa Tulong ni Jehova, Nakayanan Namin ang Pahirap ng mga Totalitaryong Rehimen
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2007
  • Mga Bagong Awit sa Pagsamba!
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2014
  • Makiawit Tungkol sa Kaharian!
    Umawit Nang Masaya kay Jehova
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1988
w88 3/15 p. 21

Sulong, Kayong mga Saksi!

“MAGITING, matibay sa kawakasan,/Handang mga lingkod balita’y ingatan./Ang Diyablo man ay lumalaban,/Lakas ng Diyos inaasahan.”

Ito ang pambungad na mga taludtod ng Awit numero 29 sa aklat-awitan ng mga Saksi ni Jehova, Umawit ng mga Papuri kay Jehova. Ang inyong pagpapahalaga sa awit na ito ay marahil patitingkarin pa ng pagkaalam na ang himig ay kinumpuwesto sa isang kampong piitan sa Nazi Alemanya. Kamakailan, mga 500 manggagawa ng pamilyang Bethel na Aleman sa Selters ang nakinig sa isang isina-tape na pakikipag-usap sa kompositor ng awit na iyan, si Erich Frost, na nag-ulat ng ganito:

“‘Sulong, Kayong mga Saksi!’​—ito ang naisin ng aming mga puso kahit na noon pa, bagaman kami ay gumagawa ng mabigat na trabaho sa isang kampong piitan. Ang isip ng isang kompositor ay laging humihiging ng sarisaring melodya, kaya ang musika ng awit ay matagal nang nasaulo ko. Ang grupo sa pagtatrabaho na kinabibilangan ko, na mayroong 40 Saksi, ay kalahating oras na naglalakad araw-araw patungo sa isang deposito ng dumi sa labas ng kampo. Nang patungo kami roon isang umaga, naisip ko: ‘Panahon na upang ang ilang liriko ay lapatan ng melodya upang ito’y maawit,’ at hindi nagluwat at sinimulan kong hubugin sa aking isip ang unang berso.

“Ang trabaho ko’y maglagay ng lupa sa kartilya at hakutin iyon sa layong mga 30 metro. Mahigpit na ipinagbabawal ang pakikipag-usap sa panahon ng pagtatrabaho. Gayunman, pagkatapos na mapili ko ang tamang oras, isang kapatid na nagtatrabaho sa karatig ang lihim na tinanong ko kung siya’y may mabuting memorya. Sumagot siya ng oo, kaya ipinagkatiwala ko sa kaniya ang unang berso. Pagkalipas ng isang oras, tinanong ko ang isa pang kapatid, pagkatapos ay ang ikatlo, at saka ang ikaapat. Sa bawat isa sa kanila ay hiniling ko na sauluhin nila ang tig-iisang berso.

“Nang kami’y bumalik na sa kampo nang gabing iyon, ang mga berso ay inulit sa akin ng apat na kapatid, nang sunud-sunod. Sa gayon ang mga salita ay maidaragdag ko na sa mga nota. Walang makakalampas sa mga SS kung sakaling ang mga nota’y mahulog sa kanilang kamay. Subalit ngayon ang kalagayan ay naging labis-labis na mapanganib. Sakaling ako’y nahuli nila habang nasa akin ang mga liriko, ako’y ibibitin nila. Paano ko kaya maitatago ang awit?

“Isang may edad nang kapatid na lalaki ang nangangalaga sa isang kuwadra sa labas ng kampo na kung saan ang mga ilang SS ay nagtatago ng kanilang mga koneho. Sa kuwadrang ito, kaniyang natagpuan ang isang lugar na mapagtataguan ng tunay na mga espirituwal na hiyas​—kumpletong mga labas ng Ang Bantayan at isa o dalawa sa mga aklat ng Samahan. Tahasang isinapanganib ng kapatid na ito ang kaniyang buhay sa lihim na pagpapasok ng gayong mga bagay sa kampo, sa ganoo’y binigyan kami ng materyal na mapag-aaralan. Dito kaniyang itinago ang aking awit. Isang araw sinabi niya: ‘Erich, ang iyong awit ay patungo na sa pupuntahan. Nakakita ako ng isang nagpadala niyaon sa Switzerland.’ Nakahinga ako nang maluwag.

“Ang mga kapatid na Swiso ang nagpadala niyaon sa Brooklyn, at doo’y sumakamay iyon ng Lupong Tagapamahala ng mga Saksi ni Jehova. Ang aking padaskul-daskol na liriko ay binago hanggang sa maging tatlong magagandang berso. Labis-labis ang aking kagalakan nang sa bandang huli makita ko ang awit na ito sa bagong aklat-awitan ng mga Saksi ni Jehova.a Sa ngayon, na ito ang Awit numero 29, ito pa rin ay nag-uudyok sa lahat ng mga Saksi na manindigang matatag sa panig ni Jehova at ng katotohanan!”

[Talababa]

a Ito’y inawit sa unang pagkakataon sa Estados Unidos ng isang koro ng mga estudyante ng ika-11 klase ng Watchtower Bible School of Gilead bilang isang bahagi ng kanilang programa sa graduwasyon, noong Agosto 1, 1948.

[Kahon sa pahina 21]

Si Erich Frost ay nakatapos ng kaniyang makalupang takbuhin noong Oktubre 30, 1987, sa edad na 86. Siya’y isinilang noong Disyembre 22, 1900, nabautismuhan noong Marso 4, 1923, at pumasok sa buong-panahong ministeryo noong 1928. Noong 1936 siya’y inilagay na tagapangasiwa sa inilihim na gawain ng pinag-uusig na mga Saksi ni Jehova sa Alemanya, at inasikaso niyang mainam ang atas na iyan sa loob ng walong buwan hanggang sa siya’y maikulong sa isang kampong piitan. Pagkatapos ng digmaan, mula 1945 hanggang 1955, siya’y naglingkod bilang tagapangasiwa ng tanggapang sangay ng Watch Tower Society sa Alemanya. (Tingnan ang The Watchtower, Abril 15, 1961, pahina 244-9.) Pagkatapos nito, siya’y patuloy na naglingkod na may katapatan kay Jehova. Hindi nililimot ng Diyos ang gawain ng gayong mga pinahirang Kristiyano o ang pag-ibig na kanilang ipinakita sa kaniyang pangalan.​—Hebreo 6:10.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share