Pag-aalaala sa Kamatayan ni Jesus
Sa isang simplemg seremonya, si Jesu-Kristo ay gumamit ng alak at tinapay na walang lebadura bilang sagisag ng buhay tao na noon ay ihahandog niya bilang hain para sa sangkatauhan. Nang itinatatag ang seremonyang ito, sinabi niya: “Patuloy na gawin ninyo ito bilang pag-aalaala sa akin.”—Lucas 22:19.
Noong nakaraang taon, 8,965,221 katao ang nag-alaala kay Jesus sa pamamagitan ng pagdalo sa Memoryal ng kaniyang kamatayan sa natatanging mga pagtitipon na pinangasiwaan ng mga Saksi ni Jehova. Kayo ay malugod na inaanyayahan na dumalo sa pagdiriwang ng Memoryal sa taong ito sa Kingdom Hall na pinakamalapit sa inyong tahanan. Ito’y gaganapin sa Biyernes, Abril 1, pagkalubog ng araw. Makipag-alam sa mga Saksi ni Jehova sa inyong lugar para sa eksaktong oras.