Hindi Na Natatakot
Isang liham ang tinanggap kamakailan sa tanggapang sangay ng Watch Tower Society sa Alemanya, at ang isang bahagi’y ganito:
“Si Diana ay pitong taong gulang at sapol pa sa pagkabata ay pinahihirapan na ng paralysis na may kasamang pulikat. Yamang siya’y kailangang mag-aral sa isang pantanging paaralan na milya-milya ang layo sa kanilang tahanan, kailangang matulog siya sa gabi sa ganap na alas siyete upang siya’y magising ng alas sais kinabukasan. Sa tuwina’y natatakot siyang mag-isa sa kaniyang kuwarto. Kaya’t naglagay kami roon ng isang cassette recorder at sa primero’y nagpatugtog ng mga tugtuging cassette, subalit hindi ito nakatulong. Isa pa, ibig kong makinig siya sa mga aral na kaniyang maaaring maintindihan.
“Nang magkagayo’y dumating ang isang kahanga-hangang solusyon—ang cassette recording ng Ang Aking Aklat ng mga Kuwento sa Bibliya. Ako’y kumuha nito para sa kaniya, at biglang-biglang hindi natatakot si Diana. Kaniyang nasasaulo ang sampu sa mga kuwento—salita por salita—at may sapat na kaalaman siya doon sa mga iba pa kung kaya’t nahalata niya ang anumang pagkakamali kung iyong binabasa iyon sa kaniya, bagama’t siya ay hindi pa nakakabasa. Magmula nang matutuhan niya ang kuwento 69, ‘Isang Batang Babae ay Tumulong sa Isang Makapangyarihang Lalaki,’ siya’y nakikipag-usap sa kaniyang mga guro at sa mga kamag-aral tungkol sa kuwentong alam niya.”
Maaari kayang ang mga cassette na ito, kasama na ang maraming magagandang larawang lathalain na Ang Aking Aklat ng mga Kuwento sa Bibliya, ay maging isang karagdagan pa sa aklatan ng inyong anak? Sinong bata kaya ang hindi matutuwa na magkaroon ng gayong tagapagkuwento handang bumasa sa kaniya araw o gabi? Ang mga cassette na ito, pati na rin ang aklat, ay maaaring mapidido sa pamamagitan ng pagsulat at paghuhulog sa koreo ng kupon sa ibaba.