Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w88 6/15 p. 27
  • Ang Kahulugan ng mga Balita

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ang Kahulugan ng mga Balita
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1988
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Ang Tanging Lunas
  • Ang Kahulugan sa Sansinukob
  • Kagila-gilalas ang Pagkakagawa Upang Mabuhay, Hindi Upang Mamatay
    Gumising!—1988
  • Kapayapaan Buhat sa Diyos—Kailan?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1986
  • Ang Pangmalas ng Bibliya sa Kapayapaan at Katiwasayan
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1991
  • Pagmamasid sa Kabila Pa ng Gawang-Taong “Kapayapaan at Katiwasayan”
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1991
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1988
w88 6/15 p. 27

Ang Kahulugan ng mga Balita

Ang Tanging Lunas

Nang marami sa mga eksperto sa daigdig sa pagtanda ay magtipon noong nakaraang taon sa Mount Sinai Medical Center ng New York upang talakayin ang biolohiya ng pagtanda, isang bagay ang nahayag​—sila’y hindi magkasundo tungkol sa kung bakit tumatanda at namamatay ang tao. May teoriya ang mga ibang eksperto na “ang pagtanda ay likas na ‘isinaprograma,’ katulad din ng mga ibang yugto ng buhay,” ayon sa pag-uulat ng Newsweek on Science & Technology. Gayunman, isinusog ng artikulo na “mahirap maguniguni kung bakit ang kalikasan ay nagpapaunlad ng isang gene para sa pagtanda.” Isang teoriya na iminungkahi ni Leonard Hayflick, isang gerontologo sa University of Florida, ay na “may genes na marahil umunlad upang panatilihing malusog ang mga tao at umaandar hanggang sa sila’y makapag-anak.” Ang konklusiyon ni Hayflick ay na pagsapit ng tao sa edad na 30 anyos humigit-kumulang, ang gayong genes na may kinalaman sa haba ng buhay ay magsisimulang manghina na. Ang katotohanan ay, ang katamtamang haba ng buhay para sa isang Amerikano ay mahigit-higit lamang sa 74 na taon “para sa ngayon na mga sanggol pa,” at “maging ang mga panlunas man para sa mga sakit sa katandaan​—kanser, artritis, Alzheimer’s​—ay bahagya lamang ang magagawa upang mapahaba ang buhay,” ang sabi ng artikulo.

Bagaman ang mga siyentipiko ay nahihirapan na makasumpong ng lunas sa pagtanda gaya rin sa sanhi nito, ang maingat na mga nag-aaral ng Salita ng Diyos ay hindi nahihirapan. Ang dahilan kung bakit tumatanda at namamatay ang tao ay ipinaliliwanag sa Roma 5:12: “Kung paanong sa pamamagitan ng isang tao [si Adan] ay pumasok ang kasalanan sa sanlibutan at ang kamatayan sa pamamagitan ng kasalanan, at sa ganoon lumaganap ang kamatayan sa lahat ng tao.” Ang tanging lunas para sa mga epekto ng minanang kasalanan ay darating sa pamamagitan ng haing pantubos na inihandog ni Jesu-Kristo. “Sinugo ng Diyos ang kaniyang bugtong na Anak sa sanlibutan upang tayo’y magtamo ng buhay sa pamamagitan niya.” (1 Juan 4:9) Sa ilalim ng pamamahala ng kaniyang Kaharian, “hindi na magkakaroon ng kamatayan, ni ng dalamhati man, o ng pananambitan man, o ng hirap pa man.”​—Apocalipsis 21:3, 4.

Ang Kahulugan sa Sansinukob

Nang ang mga lider ng dalawang pangunahing mga bansa na makapangyarihan sa daigdig ay magpulong noong Disyembre 8, 1987, upang lumagda sa isang kasunduan para sa pagbabawas ng mga missile, iyon ay binanggit na isang pangyayari na “totoong makahulugan” para sa sangkatauhan. Bakit? Sapagkat “iyon ang unang pagkakataon sapol nang pagbubukang-liwayway ng Panahong Atomiko na ang mga superpower ay nagkasundo hindi lamang upang supilin ang mga armas nuklear kundi upang alisin na ang mga buo-buong sistema,” ayon sa ulat ng New York Daily News. Bilang kumento sa kapuwa kasunduan mismo at sa binawasang dami na mga armas, isinusog ng News: “Kung ang kanilang diwa at mga simulain ay mapalalawak, sa wakas ang mga ito ay maaaring mapaulat sa kasaysayan bilang ang unang nagawa sa pinakamahalagang drama ng kapayapaan at internasyonal na katiwasayan ng Lupa.”

Totoo, ang kasalukuyang mga mungkahi tungkol sa kapayapaan at katiwasayan ay makahulugan. Gayunman, lalong magdudulot ng malaking kahulugan sa sansinukob ang mga sandali sa kasaysayan pagka ang mga lider ng daigdig ay sumigaw ng kapayapaan at katiwasayan sa lalong maliwanag na paraan higit kailanman. Sasapit ang sandali na kung kailan ang kanilang pagsigaw ay magiging ibang-iba sa maraming mga pagsisikap sa kapayapaan na ginawa na hanggang sa panahong iyon. Bakit natin matitiyak iyan? Sapagkat noong malaon nang panahong lumipas si apostol Pablo ay humula na pagka sinasabi nila: ‘Kapayapaan at katiwasayan!’ saka naman ang biglang-biglang darating sa kanila . . . at sila’y hindi makatatakas sa anumang paraan.” (1 Tesalonica 5:3) Ang tunay na kapayapaan at katiwasayan ang susunod pagkatapos sa ilalim ng may kagandahang-loob na pamamahala ni Kristo Jesus, ang “Prinsipe ng Kapayapaan.”​—Isaias 9:6, 7.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share