Upang Makaharap sa mga Suliranin ng Buhay
Noong nakalipas na taon ang bahay ng isang guro sa paaralan sa Bignona, Senegal, ay nasunog. Pagkatapos noon, ang sangay ng Watch Tower Society sa bansang iyon sa Kanlurang Aprika ay tumanggap ng ganitong liham:
“Ang lubhang ikinalulungkot ko,” ang sabi ng guro sa paaralan, “ay na sa sunog nawalan ako ng mga aklat na sa aki’y walang katumbas ang halaga. Sa mga titulo ng aklat ay kasali Ang Iyong Kabataan—Pagkakamit ng Pinakamainam Dito at Ganito na Lamang ba ang Buhay? Ayos pa rin kahit mawala ang aking mga damit at ang aking bahay, ngunit hindi ako makatitiis kung wala ang mga aklat na iyon! Ang mga iyan ay higit na mahalaga sa akin kaysa lahat ng mga bagay na nawala sa akin. Pakisuyo po, nakikiusap ako sa inyo na makipag-alam sa akin sa pinakamadaling panahon, at sabihin ninyo sa akin kung paano ako makakakuha ng mga kopyang kapalit ng nangawala. Ang buhay ay puspos ng suliranin, at kailangan natin ang gayong impormasyon upang malutas ang mga iyon at matulungan tayo na gumawa ng tamang disisyon at makapamuhay ng nararapat.”
Marami pang mga iba ang gayundin ang nadarama tungkol sa dalawang lathalaing ito. Sa katunayan, mahigit na 22 milyong kopya ng aklat na Kabataan at mahigit na 20 milyong kopya ng Ganito na Lamang ba ang Buhay? ang naipamahagi na sa buong daigdig. Tatanggap ka ng dalawang mahahalagang aklat na ito kung susulatan mo at ihuhulog sa koreo ang kupon kalakip ang ₱28.00.
Pakisuyong padalhan ako, libre-bayad sa koreo, ng dalawang 192-pahinang, pinabalatang mga aklat na Ang Iyong Kabataan—Pagkakamit ng Pinakamainam Dito at Ganito na Lamang ba ang Buhay? Ako’y naglakip ng ₱28.00.