Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w88 11/1 p. 3
  • Magkakaroon Bang Lagi ng mga Digmaan?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Magkakaroon Bang Lagi ng mga Digmaan?
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1988
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Mga Silahis ng Pag-asa
  • Ang Digmaan na Tatapos sa mga Digmaan
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1988
  • Hindi ba Maiiwasan ang mga Digmaan?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1994
  • Pinupuri ang Kapayapaan, Gayunma’y Niluluwalhati ang Digmaan
    Gumising!—1986
  • Ang Wakas ng Lahat ng Digmaan—Matutupad Ba?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1985
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1988
w88 11/1 p. 3

Magkakaroon Bang Lagi ng mga Digmaan?

Noong Hulyo 1, 1916, sa kaaya-ayang sakahang lugar ng Picardy sa Hilagang Pransya, ang Unang Labanan ng Somme ay nagsimula. Pagkatapos ng matinding pambobomba ng artilerya at ng mga pag-atake mula sa himpapawid, ang mga hukbo ng Britanya at Pransya ay naglunsad ng inaasahan nilang magiging isang tiyak na tagumpay laban sa mga hukbong Aleman na nasa mga trintsera na nakaharap sa kanila. Subalit hindi nakamit ang gayung tagumpay. Sa halip, noong unang araw, 20,000 mga kawal ng Britanya ang nangasawi. Habang lumilipas ang mga sanlinggo, ang labanan ay nagpatuloy ngunit wala pa ring tagumpay. Noong Oktubre dahil sa pagbuhos ng malakas na ulan ang larangang-digmaan ay naging mistulang karagatan ng putik. Nang kalagitnaan ng Nobyembre ang mga alyado ay umabante nang walong kilometro. Samantala, 450,000 Aleman, 200,000 Pranses, at 420,000 Britano ang nangasawi. Mahigit na isang milyong sundalo, na karamiha’y mga kabataan, ang pumanaw sa labanang iyon!

Ito’y isa lamang pangyayari sa unang digmaang pandaigdig. At ang unang digmaang pandaigdig ay isa lamang​—anupa’t ang pinakamalubha magpahanggang noon​—sa maraming digmaan na naganap sa buong kasaysayan. Anong walang kabuluhang pag-aaksaya ng mga buhay ng tao!

Bakit nga ba nagpupumilit ang mga tao na magpatayan sa ganitong paraan? Maraming dahilan, na kabilang doo’y mababanggit natin ang kaimbutan, ambisyon, kasakiman, at pati na rin ang pagkagahaman sa kapangyarihan at karangalan. Ang isa pang sanhi ng digmaan ay nasyonalismo. Oo, ang digmaan ay nagbabadya ng kawastuan ng pagmamasid sa kasaysayan ng tao na nasa Bibliya: “Dominado ng tao ang tao sa kaniyang ikapipinsala.”​—Eclesiastes 8:9.

Pati relihiyon ay malimit na sanhi ng digmaan. Sa mga krusada noong Edad Medya ay naglaban-laban ang mga bansang relihiyoso, maliwanag na dahil sa isang layuning kasangkot ang relihiyon: upang mabawi ang Palestina para sa Sangkakristiyanuhan. Sa kapuwa mga digmaang pandaigdig na naganap sa siglong ito, ang klero buhat sa iba’t-ibang denominasyon ay nagsikap na pukawin ang damdaming relihiyoso ng mga sundalo upang sila’y maging lalong masikap na patayin ang kanilang mga kalaban na nasa kabilang panig. At marami sa mga digmaan na nagaganap sa mismong sandaling ito ay relihiyon ang isa sa mga dahilan.

Mga Silahis ng Pag-asa

Mayroon bang anumang pag-asa na balang araw ay mawawala ang mga digmaan? Oo, mayroon. Si Jesu-Kristo ay tinatawag na “Prinsipe ng Kapayapaan.” Nang siya’y pumarito sa lupa, siya’y namuhay ayon sa ganitong tawag sa kaniya, sapagkat tinuruan niya ang mga tao na ibigin ang kanilang kapuwa gaya ng kanilang sarili. Sinabi pa man din niya sa kanila na ibigin ang kanilang mga kaaway. (Isaias 9:6; Mateo 5:44; 22:39) Kaya naman, yaong mga sumunod sa kaniyang mga turo noong unang siglo ay naging bahagi ng isang mapayapang pagkakapatirang pambuong daigdig. Hindi nila kailanman inisip na sila’y maglaban-laban sa digmaan. Gayunman, sa di-inaasahan, ang dalisay na pananampalataya ng mga sinaunang Kristiyanong ito ay nahaluan nang malaunan. Nang magtagal, ang mga simbahan ay nanghimasok sa politika at ang kanilang kamay ay nabahiran ng dugo ng mga nasawi sa digmaan ng mga bansa.

Pagtagal-tagal, ang simoy ng hangin ng pagbabago ay nagsimulang humihip sa ibabaw ng Europa. Waring ang sangkatauhan ay nagsasawa na sa walang humpay na digmaan. Noong 1899 at muli na naman noong 1907, nagdaos ng internasyonal na mga kombensyon sa The Hague, sa Netherlands. Sa kombensyon noong 1899, bumuo ng isang kasunduan ukol sa “Pacific [mapayapa] Settlement of International Disputes.” Kaya nang magbubukang-liwayway noong ika-20 siglo, marami ang umaasa na ang daigdig ay unti-unting magkakaroon ng pag-ayaw sa digmaan. Gayunman, ang gayong mga pag-asa ay sinira ng alingawngaw ng mga barilan ng unang digmaang pandaigdig. Ito ba ay nangangahulugan na hindi na kailanman ukol sa kapayapaan?

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share