Mga Tanawin Buhat sa Lupang Pangako
Ang mga Bansa ay Nagtitipon sa Megiddo
“Ang mga mananaliksik ay urung-sulong kung tungkol sa pandaigdig na Armagedon,” ang pag-uulat ng isang siyentipikong artikulo tungkol sa kung ang isang digmaang nuklear ay magdudulot ng isang nakapangangaligkig na “nuclear winter” o isang nakapapasong “nuclear summer.”
Marahil ay nakakita ka na ng ganiyang mga komento na nag-uugnay sa “Armagedon” at sa ating mapanganib na mga panahong ito. Ano nga ba ang “Armagedon”? Marahil ay ibig mong malaman, yamang nasasangkot ang iyong buhay.
Tunghayan mo ang gawing itaas sa tanawin ng Megiddo. Ito ay isang estratehikong lugar sa sinaunang Israel. Ang pangalang ito’y ginamit ni apostol Juan nang siya’y sumulat tungkol sa “dako na tinatawag sa Hebreo na Har-Magedon [Bundok ng Megiddo],” o Armagedon. (Apocalipsis 16:16) Ang pagkaalam ng kasaysayan ng Megiddo ay nagbibigay-liwanag sa mga salitang iyan.
Sa kasamang mapa ay makikita mo ang kinaroroonan niya. Halos nakapanunghay ito sa dalawang malalaking daan. Ang Kabundukang Carmelo ang balakid sa N—S na ruta sa pagitan ng Ehipto sa timog at Damasco o iba pang mga lunsod sa gawi ng Euphrates sa norte. Kaya’t ang mga hukbo at mga mangangalakal na sakay ng kanilang pangkat-pangkat na mga kamelyo ay napipilitang dumaan sa isang mababang daanan sa tabi ng Megiddo, ang daanan sa gawing kanan ng larawan. Ang N—S na daang bumabagtas dito at ang mahalagang ruta sa pagitan ng Tiro at ng libis ng Jordan, o Samaria at Jerusalem ay nagsasalikop sa Libis ng Jezreel. Palibhasa’y nakapanunghay sa pagitan ng mga rutang ito, ang mga dumaraan doon ay halos maaaring maging dominado ng Megiddo, at ang libis na nasa harap ng Megiddo ay naging dako ng mga labanan sa pagtatagisan ng lakas.
Halimbawa, dito pinagtagumpayan ni Hukom Barak ang mga Cananeo na nasa ilalim ng pangunguna ng punung hukbong si Sisera, na mayroong 900 mga bakal na karong pandigma. (Hukom 4:1-3, 12-16; 5:19) Nang maglaon, si Faraon Necho ay nanguna sa isang malakas na hukbo ng Ehipto na binubuo ng mga kawal at mga karo sa ruta na nasa baybayin (kaya diyan kinuha ang pangalang, Via Maris, o Daan sa Dagat) upang patibayin ang hukbo ng Asirya malapit sa Euphrates. Sa isang kadahilanan, ang Judeanong haring si Josias ay nagpasiya ng isang internasyonal na pakikipagkomprontasyon kay Necho. Subalit saan? Bagaman iyon ay 90 kilometro sa gawing norte ng Jerusalem, ang pinili ni Josias ay ang kapatagan malapit sa Megiddo.—2 Cronica 35:20-22; Jeremias 46:2.
Batid niya na doon daraan ang mga Ehipsiyo, at marahil inaakala niya na siya ang makalalamang, yamang kung doon ay malapit siya sa isang moog ng mga Israelita. Gaya ng makikita mo, ang Tell (bundok) ng Megiddo ay may kalakihan din. Ang sinaunang siyudad ay mahirap na sakupin. Ang Megiddo ay nilagyan ni Solomon ng mga kuta, marahil siya’y nagtayo ng makakapal na pader na bato at isang malaking pintuang-bayan para magsilbing proteksiyon.a (1 Hari 9:15) Sa kaliwang panig ng bundok, makikita mo ang isang malaking medyo pahabáng hukay, na pasukan patungo sa isang masalimuot na sistema ng panustos na tubig. Isang matarik na hangganan ang patungo sa ibaba sa isang mahabang tanel na naglalagos sa batuhan sa ilalim, kung kaya’t ang mga Israelita ay maaaring kumuha ng tubig sa bukal samantalang sila’y ligtas sa pananalakay. Ang mga Arkeologo ay nakadiskubre rin ng mga labi ng isang pasabsaban para sa humigit-kumulang na 450 kabayo, marahil magbuhat pa noong panahon ng paghahari ni Ahab.—Ihambing ang 1 Hari 9:19.
Sa labanan ng pagtatagisan ng lakas malapit sa Megiddo, si Josias ay nasugatan nang halos ikamamatay, at siya’y namatay sa daan pa lamang nang pabalik sa Jerusalem. (2 Hari 23:28-30) Marahil ito ang sanhi ng ‘pagtatangisan sa libis sa kapatagan ng Megiddo’ na binabanggit sa Zacarias 12:11. Hindi nagtagal pagkatapos ng pagkatalo ni Josias, ang impluwensiya ng hukbo ng Babilonya ay ginamit sa nanghina nang Judea.—2 Hari 24:1, 2, 12-14; 2 Cronica 36:1-6.
Sa pagkakaroon ng ganiyang kaalaman sa kasaysayan, mauunawaan mo kung bakit sa Apocalipsis na ibinigay kay apostol Juan, ang Megiddo ay maaaring gamiting sagisag sa pagsasalita ng hula tungkol sa pagtitipon sa ‘mga hari sa buong tinatahanang lupa’ ‘sa digmaan ng dakilang araw ng Diyos na Makapangyarihan-sa-lahat.’ Walang kaisa-isang dako sa lupa, at tunay na hindi nga ang libis na kapatagang dominado ng Bundok Megiddo ang doo’y magkakasiya ang lahat ng bansa na salansang sa Diyos. Subalit ang Har-Magedon, o Armagedon, ay angkop na kumakatawan sa kalagayan ukol sa digmaang iyon ng tiyak na tagumpay.—Apocalipsis 16:14, 16; 19:11-21.
Kaya’t hayaang ang mga pulitiko at mga peryodista ay magkaroon ng maling kuru-kuro tungkol sa Armagedon bilang isang digmaang nuklear na magwawasak sa ating globo. Taglay ang kasaysayan ng Megiddo sa kaisipan, lalong wastong maunawaan mo ang bagay na iyan. Mauunawaan mo na ang Armagedon bilang isang digmaang nuklear na magwawasak sa ating globo. Taglay ang kasaysayan ng Megiddo sa kaisipan, lalong wastong maunawaan mo ang bagay na iyan. Mauunawaan mo na ang Armagedon ay yaong kalagayan na malapit nang sapitin ng mga bansa ukol sa dakilang digmaan pagka nilipol na ng Diyos ang kasalukuyang balakyot na sistema na magbibigay ng daan para sa isang matuwid na bagong sanlibutan.—2 Pedro 3:11-13.
[Talababa]
a Mababasa mo sa Ang Bantayan ng Agosto 15, 1988, pahina 24-6, ang isang nakabibighaning paglalarawan tungkol sa pintuang-bayan ng Megiddo.
[Mapa sa pahina 17]
(Para sa aktuwal na format, tingnan ang publikasyon)
Great Sea
To Damascus
To Tyre
Sea of Galilee
Acco
Caramel Range
Megiddo
Via Maris
Joppa
To Egypt
Beth-Shean
Dothan
Samaria
Shechem
To Jerusalem
Jordan River
Mi 0 10
Km 0 10 20
[Credit Line]
Based on a map copyrighted by Pictorial Archive (Near Eastern History) Est. and Survey of Israel
[Larawan sa pahina 16]
MAKIKITA mo ang isang lalong malawak na tanawin ng Megiddo sa 1989 Calendar of Jehovah’s Witnesses. Ang anim na larawan nito ay tatalakayin sa taong ito sa mga artikulo sa Bantayan, na marahil ay ibig mong magkaroon ka kasama ng kalendaryo para magamit sa hinaharap.
[Credit Line]
Pictorial Archive (Near Eastern History) Est.
[Larawan sa pahina 17]
ANG nililok na larawang ito sa Ehipto ay makatutulong sa iyo na gunigunihin ang nagawang pag-abante ni Faraon Necho lampas sa Megiddo, na kung saan kaniyang pinagtagumpayan si Haring Josias.
[Credit Line]
Pictorial Archive (Near Eastern History) Est.