Mga Salita ng Pananampalataya Buhat sa Isang Selda ng Kamatayan
Noong Enero 6, 1940, ang kabataang Austriano na si Franz Reiter ay sumulat sa kaniyang ina buhat sa isang kulungang Nazi mga ilang saglit lang bago siya patayin: “Ngayong naririto ako, mababago ko pa rin ang aking isip, subalit sa Diyos ito ay pagtataksil . . . . Ayon sa nalaman ko, kung ako’y sumumpa [sa militar] ako marahil ay nagkasala ng kasalanang karapat-dapat sa kamatayan.”
Kung sakaling ikaw ay napaharap sa kamatayan, iyo kayang ikokompromiso ang mga prinsipiyong alam mo na matuwid? Maraming Austriano ang tumangging makipagkompromiso. Sila’y walang bahagi sa pulitikal o militar na mga panunupil ni Hitler. Ang iba ay nangamatay sa kanilang mga kampong kulungan. Patibayin ang iyong sariling paniniwala sa pamamagitan ng pagbabasa ng isang nakapupukaw na ulat ng katapatan ng mga Kristiyanong Austriano bago sumiklab at sa panahong nagaganap ang Digmaang Pandaigdig II.
Basahin din ang kapana-panabik na mga ulat tungkol sa gawain ng mga Saksi ni Jehova sa Barbados at Ecuador, at ang kasalukuyang larawan tungkol sa gawain sa buong daigdig. Lahat ng ito ay nasa 1988 Yearbook of Jehovah’s Witnesses.
Pakisuyong padalhan ako, libre-bayad sa koreo, ng 1989 Yearbook of Jehovah’s Witnesses. Ako’y naglakip ng ₱14.00
[Picture Credit Line sa pahina 32]
DÖW, Vienna, Austria