Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w89 1/1 p. 31
  • Pinagpapala ni Jehova ang Pagkamapilit

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Pinagpapala ni Jehova ang Pagkamapilit
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1989
  • Kaparehong Materyal
  • Nagbabata Bilang Kawal ni Kristo
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2005
  • Naghihintay sa Isang Kaharian na “Hindi Bahagi ng Sanlibutang Ito”
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2007
  • Maligaya sa “Paggawa Nang Higit Pa”
    Gumising!—2005
  • Ang Diyos ay Hindi Nagtatangi
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1994
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1989
w89 1/1 p. 31

Report ng mga Tagapagbalita ng Kaharian

Pinagpapala ni Jehova ang Pagkamapilit

ANG mga Saksi ni Jehova ay nakadarama ng matinding pag-ibig sa Diyos na Jehova at ng pananagutan sa kanilang kapuwa-tao, kung kaya’t nauudyukan sila na magsikap na bigyan ng lahat ng pagkakataon na makapakinig ng mabuting balita ng Kaharian ng Diyos. (Mateo 24:14) Kaya naman isang sister ang disididong mangaral sa mga sundalo at sa kani-kanilang pamilya sa compound ng militar sa kaniyang teritoryo.

Tuwing susubukin niya iyon, siya’y hindi pinapapasok ng kapitan na nangangasiwa roon. Ganito ang kaniyang paglalahad: “Kaya’t ipinasiya kong makipagkita sa komandanteng opisyal, isang koronel. Nang ako’y tumawag sa telepono sa kaniyang sekretaryo, ito’y tumangging bigyan ako ng pagkakataon na makausap ang koronel. Nagplano akong dalawin ang koronel sa kaniyang tahanan, sapagkat ang tirahan niya’y malayo sa mga baraks. Nang ako’y dumalaw na nga, tinanong niya ako kung tagasaan ako. Sa kabutihang palad, ako’y isinilang sa isang munting isla na siyang pangunahing isla sa Fiji. Nang dahil sa paggalang ay pinakinggan niya ang aking pakiusap at sinabi niyang may nabalitaan na nga siya tungkol sa mga Saksi ni Jehova ngunit kailanman ay hindi pa naipaliliwanag sa kaniya ang ating gawain. Ito’y nagbigay sa akin ng kahanga-hangang pagkakataon na magpatotoo sa kaniya, at siya’y pumayag na kumuha sa akin ng tatlong mga araling tulong sa pag-aaral ng Bibliya. Sinabi niyang ako’y naroon na sana sa kaniyang tanggapan sa baraks sa alas-9 n.u. sa susunod na Martes. Nang ako at ang isa pang sister na kasama ko ay dumating, ipinatalastas na sa mga guwardiya ang aming pagdalaw at sinabihan kami na kami’y pinapayagang mangaral na sa compound. Ang guwardiyang kumander ay nagsabi: ‘Ipinatatalastas ko ngayon sa lahat ng mga opisyal na sa Biyernes lahat ng mga pinto ay kailangang ibukas para sa inyo, at kahit na lahat kami ay may iba’t ibang relihiyon, ang inyo ang siyang para sa pagbibigay babala tungkol sa Kaharian ng langit at sa katapusan ng sanlibutan.’

“Nang kami’y dumating noong Biyernes,” ang patuloy pa ng Sister, “isang sound car ng militar ang naglibot sa kampo na nagbabalita: ‘Dalawang may edad nang mga babae ang pupunta sa kampo at magbibigay-babala sa inyo, kaya’t pakisuyong buksan ang inyong mga pintuan at makinig kayo sa kanila. Huwag kayong makipagtalo sa kanila o magalit sa kanila.’ Kami’y gumawa sa kampo mula alas 8:30 n.u. hanggang alas 5:00 n.h., at nakapagsakamay ng 100 aklat at 200 magasin. At ang resulta? Nakagawa ng maraming mga pagdalaw-muli at maraming mga pag-aaral sa Bibliya ang napasimulan.”

Buhat sa isa pang isla sa Timog Pacifico na binuksan kamakailan sa gawaing pangangaral upang gawin ng mga espesyal payunir ay nanggaling ang isa pang interesanteng karanasan. Ang mga espesyal payunir na ito ay sinasalansang ng mga lider ng Iglesia Unida. Sa panahon ng pagdalaw ng tagapangasiwa ng sirkito, sila’y nahirapan ng pagdalaw-muli, sapagkat ang pinuno ng nayon, dahil sa impluwensiya ng mga lider ng Iglesia, ay tumangging tanggapin sa nayon ang mga Saksi ni Jehova. Nang sila’y dumating, wala roon ang pinuno, kaya’t dinalaw ang taong interesado at isang mainam na patotoo ang naisagawa. Samantalang sila ay lumilisan, isang malaking bangka ang nakitang papalapit, at maliwanag na nagkaroon ng problema sa makina, yamang mga tao ang sumasagwan. Oo, nahuli pala ng pagdating ang pinuno ng nayon kung kaya’t hindi napahinto ang pagdalaw-muli. Nang sila’y makauwi na, sinabi ng mga payunir sa tagapangasiwa ng sirkito sa Pidgin: “Me fella thinkim might angel now breakim engine belong him.”

Ganoon pinagpala ni Jehova ang pagpupumilit ng mga kapatid na ito sa pagsunod sa utos na ipangaral “ang mabuting balitang ito ng Kaharian.”

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share