Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w89 2/1 p. 32
  • Kung Saan Nanggaling ang Diyablo

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Kung Saan Nanggaling ang Diyablo
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1989
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1989
w89 2/1 p. 32

Kung Saan Nanggaling ang Diyablo

“Ang pangunahing gawain ko ay asikasuhin ang mga bata sa pagsusuot ng kanilang mga seat belts at pamalagiin silang tahimik,” ang sabi ng isang dalaga na may pansamantalang trabaho sa pag-aasikaso ng mga bata sa isang bus ng paaralan sa South Dakota. Ganito ang bida niya:

“Isa sa mga batang lalaki ang nagbibigay sa akin ng sakit ng ulo. Akalain mo, siya’y seis anyos lamang, subalit kung minsan ay totoong madaldal siya. Kailangang puwersahang paupuin ko siya sa kaniyang upuan at maupo ako samantalang nakatakip ang kamay ko sa kaniyang bibig upang siya’y manahimik. Siya’y naninipa, nangangalmot, nangungurot, nagmumura, at nagtititili. Kung araw na siya’y namemerhuwisyo, ang kailanga’y tabihan mo siya upang makapamalagi siya sa kaniyang upuan.

“Noong nakaraang Biyernes ay isang masamang araw, at noong halos mga sandaling namamanhid ang katawan ko mula sa balikat pababa, siya’y nagtanong: ‘Bakit ginawa ng Diyos ang Diyablo?’ May dala ako sa bus na isang kopya ng Ang Aking Aklat ng mga Kuwento sa Bibliya. Sinabi ko sa kaniya na ang aklat na ito’y tutulong sa kaniya na malaman kung saan nanggaling ang Diyablo. Maniniwala ka ba na aming inisa-isang tinalakay ang 41 kuwento? Halos sumuko na ako ng pakikitungo sa batang ito, ngunit nagbago ang kaniyang kalooban hanggang sa punto na ayaw niyang umalis sa bus pagdating namin sa paaralan. Ang ibig niya’y magpatuloy pa kami ng pagtalakay sa mga kuwento!”

Ang pag-aaral ng kahanga-hangang aklat na ito ay nagbunga ng nakakatulad na mga resulta sa maraming iba pang mga bata. Ikaw ay tatanggap ng isang kopya ng may mga magagandang larawan, malalaki-ang-letra, may 256-pahinang aklat na ito kung susulatan mo at ihuhulog sa koreo ang kupon sa ibaba kalakip ang ₱42.

Pakisuyo pong padalhan ako, libre-bayad sa koreo, ng pinabalatang aklat na Ang Aking Aklat ng mga Kuwento sa Bibliya, kung kaya’t naglakip ako ng ₱42.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share