Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w89 2/15 p. 21
  • Ang Kahulugan ng mga Balita

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ang Kahulugan ng mga Balita
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1989
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Maysakit na Edukasyon
  • Isang Maling Pag-asa
  • “Hindi Bahagi ng Sanlibutan”
  • Mayroon Ka Bang Imortal na Kaluluwa?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2007
  • Gaano Katibay ang Inyong Paniniwala sa Pagkabuhay-Muli?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1998
  • Ang Misteryo ay Nalutas!
    Gumising!—1988
  • Ang Kaluluwa—Ikaw Ba? O Ito ba’y Nasa Loob Mo?
    Gumising!—1985
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1989
w89 2/15 p. 21

Ang Kahulugan ng mga Balita

Maysakit na Edukasyon

Sa nakalipas na sampung taon, isang kolehiyo sa New York State ang nag-aalok ng isang kurso sa seksuwalidad ng tao na makapagbibigay sa mga estudyante ng tatlong kredito sa kolehiyo. Ang mga estudyante ay “kinakailangang gumawa ng mga ‘field trips’ upang makipag-usap sa mga patutot, dumalaw sa mga bar ng mga bakla o humanap ng mga tabing-dagat na kung saan marami ang nagliliwaliw na hubo’t-hubad,” ang ulat ng isang kolumnista sa New York Post. Ang aklat-aralin sa klase ay sinasabing may malinaw na mga instruksiyon tungkol sa pagsasagawa ng oral sex at nanghihimok sa palagiang pagsasagawa ng masturbasyon. Sang-ayon sa Post, bilang bahagi ng kurikulum ng paaralan, ang mga estudyante ay pinakikitaan ng isang pelikulang nagtatanghal ng “mga magkakaparehang nagtatalik,” at gayundin ng “malapitang eksena ng mga natatagong bahagi ng katawan ng lalaki at ng babae.” Mayroon pa kayang hihigit diyan kung ang pag-uusapan ay may kinalaman sa kalinisan at kapurihan?​—Filipos 4:8, 9.

Samantalang ang mga kabataan ay kailangang makaalam ng mga katotohanan ng buhay at magkaroon ng malinis na saloobin tungkol sa mga bagay na ito, ang mga magulang ang may pangunahing pananagutan na magturo ng mga bagay na iyan. (Kawikaan 22:6) Anumang kurso sa paaralan na humihimok sa kaninuman na gamitin ang sekso sa labas ng kaayusan ng pag-aasawa at humihiling na ang mga estudyante ay manood ng mga pelikulang x-rated at manggalugad sa homoseksuwalidad at pagpapatutot ay, mangyari pa, hindi tatanggapin ng mga tunay na sumasamba sa Diyos. Sa Bibliya yaong mga namimihasa sa gawang pakikiapid, pangangalunya, at homoseksuwalidad ay malinaw na inuuri bilang mga taong may “kahiya-hiyang mga pita sa sekso,” na namimihasa ng paggawa ng “malaswa.” Tungkol sa gayung mga bagay, iniuutos ng Bibliya: “Lumayo kayo sa pakikiapid.” At higit pa, sinasabi nito: “Huwag payagang ang pakikiapid . . . ay mabanggit man lamang sa gitna ninyo.”​—Roma 1:24-32; 1 Tesalonica 4:3; Efeso 5:3, 5; Galacia 5:19, 21.

Isang Maling Pag-asa

Ang mga taong naghahanap ng “isang lalong personal na paglipat” tungo sa kamatayan ay tumatalikod sa kinaugalian nang mga paraan ng paglilibing kahalili ng sinaunang kinaugalian na mummification, ayon sa pag-uulat ng The Wall Street Journal. Pagka binayaran ang pinaka-saligang halaga na $7,500 “ang isang parukyano ay ibababad nang dalawang buwan sa alak, mga damu-damo at mga preserbatibang kemikal, punupunasan ng mabangong langis at binabalot ang buong katawan ng linen, fiberglass, polyethylene at plaster,” ang sabi ng Journal. Ang pinaka-kalupkop na ginto o mga alahas na nakaenggaste sa mga kabaong na tanso na isinunod sa hugis ng katawan ay maaaring magkahalaga ng $100,000 pataas.

Subalit, hindi lamang ang pagiging pambihira ng gayung mummification ang nakaaakit sa mga parukyano. Isang tao ang nagsabi na “kung totoo ang gaya ng sinasabi ng mga ibang Kristiyano na sa Araw ng Paghuhukom tayo’y tatawagin ni Kristo upang magbangon sa libingan, kung gayo’y ibig kong ako’y nasa pinakamabuting kalagayan na maaari kong kalagyan.”

Katulad ng sinaunang mga Ehipsiyo na naniniwalang dapat ingatan ang katawan para sa pagbabalik ng kaluluwa sa kabilang-buhay, ang gayung mga tao ay karaniwang isinasalig ang kanilang pag-asa sa turo na ang kaluluwa ay walang kamatayan. Ang mga pinuno ng relihiyon ay nagturo na sa Araw ng Paghuhukom, ang katawan ng mga taong matuwid at ng mga balakyot ay muling mapapalakip sa kani-kaniyang kaluluwa upang magtamasa ng walang kahulilip na kaligayahan sa langit o dili kaya’y dumanas ng walang-hanggang parusa sa impiyerno ng apoy.

Gayunman, ang doktrina ng likas na pagkawalang-kamatayan ay hindi itinuturo ng Bibliya. Sa halip itinuturo ng Bibliya na ang kaluluwa ay may kamatayan. “Ang kaluluwa na nagkakasala​—ito mismo ay mamamatay.” (Ezekiel 18:4) Samakatuwid, ang pag-asang ibinibigay ng Bibliya para sa buhay sa hinaharap ay nakasalig, hindi sa pananatiling buháy ng isang kaluluwang walang-kamatayan, kundi sa pagbuhay-muli ng Diyos sa isang tao lakip na ang kaniyang sariling pagkatao at ang isang angkop na katawan na taglay ang ganoon ding personalidad at mga alaala na taglay niya nang siya’y mamatay. Tama naman, na sabihin ni Jesus: “Ang oras ay dumarating na lahat ng mga nasa alaalang libingan ay makaririnig ng kaniyang tinig at magsisilabas.”​—Juan 5:28, 29.

“Hindi Bahagi ng Sanlibutan”

Ang Watchtower Bible and Tract Society of New York, Inc., ay nakipagpulong sa New York City Board of Estimate noong nakaraang taon upang humiling ng pagbabago sa pagsosona may kaugnayan sa pagtatayo ng 19-palapag na gusaling tirahan. Samantalang ang karamihan ng mga kagawad ng lupon ay sumalungat sa proyekto, ang dalawang botong pabor sa pagbabago sa pagsosona ay nanggaling sa alkalde ng New York City na si Edward Koch. Sa isang pangungusap na nagpapaliwanag ng saligan ng kaniyang disisyon, sinabi ni Mayor Koch ang kaniyang obserbasyon na “ang mga Saksi ni Jehova . . . ay maituturing lamang na mabubuting mga kapuwa . . . Ako’y may pinakamataas na pagkakilala sa kanila.” Pagkatapos ay isinusog niya: “Sinabi sa akin na sa mga kadahilanang relihiyoso sila ay hindi bumoboto sa anumang eleksiyon at marahil isa iyan sa mga problema sa proyektong ito, sapagkat napakahirap para sa mga di-bumoboto na manalo sa isang kontrobersiyal na kaso kung saan ang halal na mga opisyales ay inuukilkil ng maraming tao.”

Si Mayor Koch ay dapat na papurihan dahil sa kaniyang tibay-loob at kawalang-kinikilingan sa harap ng napakaraming mananalansang. Bagaman ang kasong ito ay baka iba ang naging resulta kung ang mga Saksi ni Jehova ay nakikibahagi sa mga halalang pulitikal, sila’y hindi maaaring magbago buhat sa kanilang neutral na paninindigan tungkol sa mga isyung pulitikal​—gaano mang kalaki ang gantimpala. Para sa mga tunay na Kristiyano ang paninindigan nila ay malinaw. Sinabi ni Jesus: “Sila’y hindi bahagi ng sanlibutan, gaya ko na hindi bahagi ng sanlibutan.”​—Juan 17:16.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share