Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w89 3/15 p. 7
  • Ang Kahulugan ng mga Balita

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ang Kahulugan ng mga Balita
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1989
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Isang Nagbababalang Tanda
  • “Isang Pamahalaang Pandaigdig”
  • Masamang Payo
  • Mga Lindol—Sunud-sunod na Paghihirap
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1987
  • Mga Lindol, Hula ng Bibliya, at Ikaw
    Gumising!—2002
  • Malalakas na Lindol—Ano ang Inihula ng Bibliya Tungkol Dito?
    Iba Pang Paksa
  • Sanayin ang Iyong Anak Mula sa Pagkasanggol
    Ang Lihim ng Kaligayahan sa Pamilya
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1989
w89 3/15 p. 7

Ang Kahulugan ng mga Balita

Isang Nagbababalang Tanda

Noong nakaraang Disyembre isang lindol na may sukat na 6.9 sa Richter scale ang sumalanta nang husto sa Soviet Armenia. Tinukoy na “isa sa pinakamalubha sa kasaysayang Soviet,” ang lindol ay pumuti ng mga 25,000 buhay at nag-iwan ng 500,000 walang tahanan. Winasak niyaon ang dalawang katlo ng ikalawang-pinakamalaking siyudad sa Armenia, ang Leninakan, na may populasyon na 290,000 at lubusang winasak ang Spitak, isang bayan na may humigit-kumulang na 30,000 mamamayan. Marami pang maliliit na komunidad ang pinatag din ng lindol. Hindi kukulangin sa 5,400 mga natabunan ng mga kagibaan ang nailigtas ng multinational na mga pangkat ng mga tagasagip, at sang-ayon sa mga autoridad na Soviet, ang bilang ng mga nangasaktan ay umabot ng 13,000.

Bagaman ang mga siyentipiko ay may kaunting ideya tungkol sa mga pangunahing sanhing heolohiko ng karamihan ng mga lindol, hindi nila wastong mahulaan kung kailan magaganap ang mga ito. Gayumpaman, ang malimit na paglindol sa loob ng siglong ito ay hindi pinagtatakhan ng mga nag-aaral ng Bibliya na may kaalaman sa inihulang “tanda” ni Jesu-Kristo may kaugnayan sa kaniyang di-nakikitang “pagkanaririto” at sa “katapusan ng sistema ng mga bagay.” Bakit nga? Sapagkat kahit na hindi ipinaliwanag ni Jesus ang sanhi ng mga pagyanig na ito, kaniyang ibinabala na bilang bahagi ng sama-samang “tanda,” magkakaroon ng “mga lindol sa iba’t ibang dako.”​—Mateo 24:3, 7.

“Isang Pamahalaang Pandaigdig”

Ang tanging paraan upang madaig ang greenhouse effect at iba pang mga kasakunaan na likha ng kapaligiran ay ang pagkakaroon ng isang pamahalaang pandaigdig, sabi ni Dr. Kenneth Hare, kilalang geographer at eksperto sa mga pagbabagu-bago ng klima. Ang sangkatauhan ay patuloy na nagdadala sa kalikasan ng nakamamatay na pamiminsala, ang babala ni Hare. Ang planeta ay nanganganib hindi lamang sa isang digmaang nuklear “kundi sa maling paggamit sa kalikasan,” ayon sa pag-uulat ng Calgary Herald, isang pahayagan sa Canada. Ayon kay Hare tatlong bilyong tonelada ng karbon ang taun-taon ay ibinubuga sa atmospera bilang usok na nanggagaling sa mga kotse at mga industriya. Ipinakikita ng mga pag-aaral sa computer na kahit na katamtaman ang pagsulong ng ekonomiya, ang dami ng carbon dioxide na nasa atmospera ay madodoble pagsapit ng taóng 2075. “Tayo’y lumikha ng isang pangglobong suliranin,” at kung hindi aaregluhin ang kapaligiran sa buong globo, “tayo’y magkakaroon ng suliranin,” ang sabi ni Hare.

Ang inirerekumenda ni Dr. Hare ay tunay na makatuwiran. Gayunman, makaaasa kaya ang tao na makapagtatatag ng isang pamahalaang pangglobo na makagagawa ng gayung mga bagay na aareglo sa pagsulong ng ekonomiya, magpapaunlad ng mga pagkukunan ng enerhiya na hindi nagdadala ng polusyon, at kukumbinsi sa sangkatauhan na maglunsad ng isang programa ng pambuong daigdig na pangangalaga sa kapaligiran?

Mahirap nga! Malinaw na sinasabi ng Salita ng Diyos: “Ang lakad ng makalupang tao ay hindi sa kaniyang sarili. Hindi para sa taong lumalakad ang kahit magtuwid ng kaniyang hakbang.” (Jeremias 10:23) Subalit, mga kamay ng Diyos ang makagagawa nito. Bilang ang “Prinsipe ng Kapayapaan,” ang kaniyang Anak, si Jesu-Kristo, ay magpapalakad ng isang pamahalaang pandaigdig na magpupuno nang may katarungan at katuwiran. Sa ilalim ng kaniyang makalangit na paghahari, hindi isasapanganib ng tao ang kapaligiran.​—Isaias 9:6, 7; 11:9; Daniel 2:44.

Masamang Payo

Masama ba para sa isang bata ang sumuway sa kaniyang mga magulang? Hindi dapat magkagayon, ang sabi ni Leon Kuczynski, propesor ng developmental psychology sa University of Guelph sa Ontario, Canada. Sa katunayan, iniulat ng The Toronto Star na pagkatapos pag-aralan ang 70 ina at ang kani-kanilang mga anak, si Kuczynski ay naniniwala na ang “mga pamamaraan na ginagamit ng mga bata upang sumuway sa kaniyang mga magulang ay mahalaga sa kaniyang panlipunang pag-unlad.” Sang-ayon sa artikulo, kung hindi gawin ng mga bata ang ipinagagawa sa kanila, ang mga magulang ay hindi dapat mawalan ng pag-asa. Ang dahilan? Ayon kay Kuczynski ang gayung paggawi ay normal. Inaakala rin ng propesor na “ang pagtanggi ng isang bata na sumunod sa kaniyang magulang ay maaaring isang tanda ng pagsasarili at pagkamaygulang.”

Ang hindi pagsunod ng mga anak sa kanilang mga magulang ay hindi isang tanda ng pagkamaygulang. Bagkus, ang pantas na si Haring Solomon ay sumulat: “Ang kamangmangan ay nababalot sa puso ng isang bata.” (Kawikaan 22:15) Bagaman ang iba’y naniniwala na ang pagsuway ng isang bata ay lumilikha ng positibong mga resulta, ang Salita ng Diyos ay hindi sumasang-ayon. Daan-daang taon na ngayon na sumulat si apostol Pablo: “Kayong mga anak, magmasunurin kayo sa inyu-inyong mga magulang sa lahat ng bagay, sapagkat ito’y totoong nakalulugod sa Panginoon.” (Colosas 3:20) Ang pantas na mga magulang ay kay Jehovang Diyos aasa bilang kanilang autoridad sa pagsasanay sa anak.​—Kawikaan 19:18; 29:15.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share