Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w89 6/15 p. 32
  • Nararating ng mga Ito ang Puso

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Nararating ng mga Ito ang Puso
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1989
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1989
w89 6/15 p. 32

Nararating ng mga Ito ang Puso

Isang ina na taga-Virginia, E.U.A. ang sumulat: “Kami ay may singko-anyos na anak na lalaki, si Keith. Sa yugtong ito ng kaniyang buhay, siya’y hindi gaanong mahilig sa relihiyon. Hindi naman ibig sabihin na siya’y hindi isang mabuting bata. Siya’y totoong mapagmahal at mabait at nakikinig sa kaniyang budhi. Subalit madalas na iniiwasan niya ang pakikipag-usap tungkol sa Bibliya o dagling binabago niya ang paksa. Kaya’t kami’y nanalangin na kami’y bigyan ng kaunting pagtitiis at humanap ng mga iba pang paraan upang sa kaniyang murang puso ay maihasik ang espirituwal na mga katotohanan.

“Ang bata ay tinubuan na ngayon ng matinding hilig sa mga kuwento. Pumasok ang aklat na Mga Kuwento sa Bibliya at sumunod ay ang mga tape (sa Ingles). Siya’y binigyan ng kaniyang lola ng isang cassette player. Ipinakita namin sa kaniya kung paano gagamitin ito. Ngayon sa loob ng kung ilang oras, siya’y nakaupo na hawak ang aklat, at sinusundan ang tape.

“Sa mga sandaling bago kami matulog dito ay nakaugalian naming magkuwentuhan muna. Ngayong gabi, ang sabi ko ay totoong pagod ako, pero marahil ay ibig niyang kuwentuhan ako. Humiling ako ng isang kuwento sa Bibliya. Akalain mo ba’y kaniyang kinuwentuhan ako tungkol kay Job, saka kay David at Goliat, pagkatapos ay kay Ruth at kay Naomi. Nang dumating kami sa bahaging ganiyan na lamang ang pag-ibig ni Ruth kay Jehova, siya’y nagngingisi at ang sabi, ‘Iyan ang aking paborito!’

“Isang karagdagang pagpapala ang sumapit nang matalos ko na siya’y nanggagaya rin ng puntó, bantas, at nag-iinsayo upang lalong mapahusay ang kaniyang pagsasalita! At kaniyang sinisipi ang mga kuwentong ito nang salita-por-salita! Salamat po, salamat po, salamat po!”

Oo, ang isang bata ay higit pa ang natatandaan kaysa iyong inaakala kung siya’y interesado. Nasumpungan ng maraming pamilya na ang Ang Aking Aklat ng mga Kuwento sa Bibliya kasama ang recording ng aklat sa mga cassette tape (sa Ingles) ang talagang kinakailangan upang pasiglahin ang interes na iyan. Ikaw ay tatanggap ng cassette tapes o ng tomo ng Ang Aking Aklat ng mga Kuwento sa Bibliya, o kapuwa, kung susulatan mo at ihuhulog sa koreo ang kalakip na kupon.

Itsek ang alinman o ang kapuwa sa mga sumusunod, at lakipan ng tamang abuloy:

[ ] Pakisuyong padalhan ako, libre-bayad sa koreo, ng kayumangging vinyl album na may apat na cassette tape ng Ang Aking Aklat ng mga Kuwento sa Bibliya (sa Ingles). Ako’y naglakip ng ₱120.00. (Sa labas ng Pilipinas, sumulat sa lokal na sangay ng Watch Tower para sa halaga.)

[ ] Pakisuyong padalhan ako ng may mga larawang 256-pahinang Ang Aking Aklat ng mga Kuwento sa Bibliya, kaya ako’y naglakip ng ₱42.00.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share