“Naroon ang Diyos na Hinahanap Ko”
Nasaan? Ano ba ang tinutukoy ng taong iyon?
Ang kuwento ay bumabalik sa una pa nang iregalo ang aklat na Life—How Did It Get Here? By Evolution or by Creation? Ang aklat ay ibinigay sa isang retiradong lekturador ng arkeolohiya na naninirahan sa Espanya. Nang malaunan, nang ang taong nagbigay ng regalo ay dumadalaw sa Espanya, ganito ang puna ng retiradong lekturador: “Siyanga pala, Edwin, salamat sa pagpapadala mo ng aklat na iyon. Binasa ko iyon pero pagkatapos ay ibinigay ko sa isang kabataang Kastila.”
Ang kabataang Kastila ay isang gumagamit ng droga, may balbas at mahabang buhok. Gayunman, pagkatapos tanggapin ng kabataang iyan ang aklat, nagkaroon ng kapuna-punang pagbabago ang kabataan. Inahit na niya ang kaniyang balbas, siya’y nagpagupit ng kaniyang buhok, at huminto na ng paggamit ng mga droga. Nang mabalitaan ito, si Edwin ay sabik na makilala siya.
Nang sila’y magkatagpo at malaman ng nasabing kabataan kung saan nanggaling ang aklat, kaniyang niyakap si Edwin at ang sabi: “May limang taon nang hinahanap ko ang Diyos, at nang buksan ko ang aklat na iyon, naroon ang Diyos na hinahanap ko.” Ang kabataan ay sumulong hanggang sa punto na ang kaniyang bagong katatagpong pananampalataya ay ibinahagi niya sa iba.
Inaakala namin na kayo man ay makikinabang sa kahanga-hangang aklat na ito na malaking kabutihan ang naging epekto sa buhay ng mga tao. Maaari kayong tumanggap ng isang sipi ng lubusang sinaliksik na lathalaing ito sa pamamagitan ng pagsulat at paghuhulog sa koreo sa kupon sa ibaba lakip ang halagang ₱42.
Pakisuyong padalhan po ako, libre-bayad sa koreo, ng pinabalatang, 256-pahinang aklat na Life—How Did It Get Here? By Evolution or by Creation? Ako’y naglakip ng ₱42.