Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w89 11/1 p. 15
  • ‘Salitaing May Katapangan ang Salita ng Diyos’

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • ‘Salitaing May Katapangan ang Salita ng Diyos’
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1989
  • Kaparehong Materyal
  • Tularan si Jesus—Mangaral Nang May Katapangan
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2009
  • ‘Salitain ang Salita ng Diyos Nang May Katapangan’
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2010
  • Patuloy na Salitain ang Salita ng Diyos Nang May Katapangan
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2005
  • Hindi Natatakot
    Mahalin ang mga Tao—Gumawa ng mga Alagad
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1989
w89 11/1 p. 15

‘Salitaing May Katapangan ang Salita ng Diyos’

ANG Diyos na Jehova ay makapagbibigay sa kaniyang mga lingkod ng kapangyarihang ‘salitaing may katapangan ang Salita ng Diyos.’ (Gawa 4:31) Kahit na yaong musmos pa sa mga katotohanan ng Bibliya at wala pang karanasan sa gawaing pangangaral ng ebanghelyo ay hindi dapat mag-atubiling magsalita nang may katapangan sa mabuting balita. Sa Côte d’Ivoire, dalawang mamamahayag ng mabuting balita ang nagbabahay-bahay nang sila’y mapaharap sa isang propesor sa unibersidad. Ang nakababatang Saksi, si Seriki, dahil sa inaakala niyang wala siyang kakayahang magsalita sa gayong taong edukado, ay nagsabi na yaong isang Saksi na ang magsalita.

Ang propesor ay ginagambala ng pagtatangi sa lahi at kaniyang sinisi ang Diyos sa umiiral na mga suliranin sa lahi, sa pag-aakala niyang ito ang lumikha sa iba’t ibang lahi. Pagkatapos ng mahabang pagtatalakayan na waring walang nararating na anuman, sa wakas ay nagkaroon ng lakas ng loob si Seriki na magsalita, at siya’y magalang na pumasok sa usapan. (1 Tesalonica 2:2) Palibhasa’y napansin niya na ang bahay ng propesor ay nagagayakan ng sarisaring kulay na may arte naman, si Seriki ay nagtanong sa propesor, “Bakit hindi iisang kulay ang ginamit mo sa iyong buong bahay?”

“Baka akalain mong ako’y nababaliw!” ang tugon ng propesor. Ang sagot naman ni Seriki: “Hindi, pero bakit natin aasahang lahat ng bagay at lahat ng tao ay gagawin ng Diyos na iisang kulay?” Nagliwanag ang punto. Ang simpleng ilustrasyon ay napatunayang mabisa, at isang mabuting patotoo ang naibigay ng dati’y mahiyaing si Seriki.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share