“Ang Lathalain ng mga Saksi ni Jehova ay Karapat-dapat Basahin”
Ito ang titulo ng isang artikulong nalathala noong Disyembre 23, 1988, sa Creston News Advertiser, ng Iowa, E.U.A. “Ako’y interesado sa pilosopya at relihiyon,” ang sabi ng kawaning manunulat na si Randy Porter, “ngunit ang mga lathalain ay mayroon ding mga artikulong semi-sekular tungkol sa nakapanggigilalas na sarisaring mga isyung pandaigdig. . . .
“Isa pa, ang iba’y baka magtaka kung malaman na ang mga magasin kadalasan ay sumisipi sa mga ibang mapanghahawakang mga lathalain, bukod sa Bibliya. . . .
“Siyanga pala, ang edisyon ng Enero [22] ay may lathalang isang maikling kuwento at de-kulor na litrato ng batuhan ng estado ng Iowa, ang geode. Sinasabi ng artikulo na ang mga tao’y tulad ng mga geode. Bagaman simple lamang sa labas, pagka binuksan ang loob ng mga geode ay mapapalantad ang isang nakasisilaw, na mistulang kagandahang panloob. Ang isang tao rin naman ay baka simple lamang kung tingnan sa panlabas, at marahil tahimik at mahiyain; gayunman, pagka ang isang tao’y gumugol ‘ng panahon upang makipagkilala, sila’y nagbubukas at ipinakikita sa iyo ang isang panloob na kagandahan na kumikislap.’ . . .
“Ang labas ng Enero [22] ay may maraming iba pang artikulo na nakalampas sana sa aking desk! Halimbawa, karamihan ng tao’y nakabalita na tungkol sa salaring mga bubuyog sa Aprika, subalit isang artikulo ang bumanggit kung papaanong ang mga entomologist ay nagba-‘bugging’ sa mga bubuyog. Ang mga inhinyerong Amerikano ay nagdisenyo ng isang microprocessor na aparatong napakaliit upang ikabit sa likod ng isang bubuyog at sa gayo’y masusubaybayan ng mga siyentipiko ang galaw ng mga bubuyog mula sa isa hanggang dalawang kilometro.”
Ang Gumising! ay may mga kabalitaan sa maraming bansa sa buong daigdig at samakatuwid may mga pinagkukunan ng balita na hindi kayang gawin ng iba. Inaakala namin na kayo ay makikinabang at masisiyahan sa kabigha-bighaning mga artikulo ng Gumising! Ito’y may pamantayang limbag na 11,250,000 sipi bawat labas at inilalathala sa 54 na wika.
Pakisuyong padalhan po ako ng isang taóng suskripsiyon sa Gumising! Ako’y naglakip ng ₱60 para sa 24 na labas ng magasing ito (2 sipi isang buwan).