Malaganap na Pagpapahalaga sa Gumising!
Ang Gumising! ay inilalathala sa 55 wika, at ito ay may katamtamang limbag na 11,930,000 sipi bawat labas. Ang mga mambabasa sa buong daigdig ay nasisiyahan at nakikinabang dito, gaya ng ipinakikita ng kanilang liham ng pasasalamat. Ang tanggapang sangay ng Watch Tower sa Thailand ay tumanggap ng ganitong pakiusap:
“Ang aming paaralan ay regular na tumatanggap ng magasing Gumising! [sa Thai], at napansin namin na ang Setyembre 8, 1988, na labas ay tungkol sa paksang ‘Mga Magulang,’ na dapat basahin ng lahat ng mga magulang ng mga batang nag-aaral. Kaya ibig namin na padalhan ninyo kami ng 250-400 sipi kung maaari upang maipamahagi sa susunod na pulong ng mga magulang/guro.”
Isang babae na taga-Roanoke, Virginia, E.U.A., ang sumulat: “Ako’y isang miyembrong saradong Baptist . . . , ngunit nagbasa ako ng isa ninyong magasing Gumising! sa isang Laundromat sa komunidad at ganiyan na lang ang laki ng aking natutuhan. Ako’y wiling-wili ng pagbabasa nito. Ako’y naglakip ng isang [$5 tseke] upang ako’y bigyan ninyo ng isang taóng suskripsiyon sa Gumising!”
Inaakala namin na ikaw man ay makikinabang at mawiwili sa pagbabasa ng nakabibighaning mga artikulo sa Gumising!
Pakisuyong padalhan po ako ng isang taóng suskripsiyon sa Gumising! Ako’y naglakip ng ₱60 para sa 24 na labas ng magasing ito (2 sipi isang buwan).