‘Ang Payo sa Aklat ay Maaasahan’
Ganiyan ang isinulat ng isang kabataang taga-Maryland, E.U.A., tungkol sa aklat na Ang mga Tanong ng mga Kabataan—Mga Sagot na Lumulutas. “Nabasa ko po ang buong aklat sa loob ng dalawang araw,” ang sabi niya, “at hindi ko mapigil na hindi ko sabihin sa mga tao ang tungkol diyan.
“Nasumpungan ko na ang kabanata 6, ‘Bakit Napakahirap Pakisamahan ang Aking mga Kapatid?,’ ay tumulong sa akin sapagkat kung minsan ako’y naninibugho sa aking ate. Pero agad nakilala ko pagkatapos na mabasa ko iyon na hindi pala dapat akong manibugho dahil sa mayroon siyang mga karapatan na wala ako. Nang waring hahantong na sa pagtatalo ang aming pag-uusap, ikinapit ko ang payo na nasa aklat. Iyon ay naging mabisa! Ngayon isang lalong matibay na relasyon ang nabubuo sa pagitan naming magkapatid.”
Ang paglaki sa mga panahong ito ng kaligaligan ay hindi madali. Ang kabataan ay napapaharap sa maraming mga bagong kalagayan at kailangang gumawa ng mahalagang mga pasiya. Dapat ba akong uminom? Tumanggap ng mga bawal na gamot? Anong asal ang nararapat na sundin sa pakikitungo sa hindi mo kasekso? Kailangan ng mga kabataan ang mga kasagutan na maaasahan. Inaakala namin na kayo at ang inyong mga anak ay makikinabang nang malaki buhat sa kaakit-akit ang mga larawan, 320-pahinang aklat na ito. Tatanggap ka ng isang kopya kung susulatan mo at ihuhulog sa koreo ang kupon. Ito’y ₱21 lamang.
Pakisuyo pong padalhan ako, libre-bayad sa koreo, ng 320-pahinang pinabalatang aklat na Ang mga Tanong ng mga Kabataan—Mga Sagot na Lumulutas. Ako’y naglakip ng ₱21.