‘Ito’y Hindi Nagpapaliguy-ligoy’
Hindi madali ang lumaki sa maligalig na mga panahong ito. Ang kabataan ay napapaharap sa maraming mga bagong situwasyon at kailangang gumawa ng mahahalagang pasiya. Ako ba’y dapat uminom? Tumanggap ng mga bawal na gamot o droga? Anong asal ang nararapat sa pakikitungo sa di mo kasekso? Ang mga kabataan ay nangangailangan ng sagot na mapanghahawakan, na hindi nagpapaliguy-ligoy. Sa pagbabasa sa bagong aklat na Ang mga Tanong ng mga Kabataan—Mga Sagot na Lumulutas, isang kabataang taga-Greensboro, North Carolina, ang sumulat:
“Ang aklat na ito ay totoong madaling maunawaan at may magagaling na halimbawa para sa bawat problema. Minsang simulan mo ang pagbabasa nito, talagang hindi mo maihihinto, ang mga kabanata ay totoong interesante. Hindi paliguy-ligoy, wika nga, kundi nagbibigay ng tuwirang kasagutan sa problema.
“Sa kabuuan, ang aklat na ito ay di-matututulan na kahanga-hanga, makatotohanan, kagila-gilalas, . . . ang mga salita ay hindi makapagpahayag ng kadakilaan ng aklat na ito. Lubusang inirirekomenda ko ang aklat na ito sa lahat, lalo na sa kabataan.”
Tanggapin ninyo itong bago, kaakit-akit ang mga larawang aklat na ito sa pamamagitan ng pagsulat sa kupon at paghuhulog nito sa koreo. Ito’y bahagi ng isang pandaigdig na pagtuturo sa Bibliya na suportado ng kusang abuloy.
Pakisuyong padalhan po ako, libre-bayad sa koreo, ng 320-pahinang, pinabalatang aklat na Ang mga Tanong ng mga Kabataan—Mga Sagot na Lumulutas.