Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w90 7/1 p. 14-15
  • “Iyo ang Bahay na Ito”

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • “Iyo ang Bahay na Ito”
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1990
  • Subtitulo
  • Kaybilis-bilis ba ng Paglawak?
  • Pagsasakripisyo at Bukas-Palad na Pagbibigay
  • Araw ng Pag-aalay
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1990
w90 7/1 p. 14-15

“Iyo ang Bahay na Ito”

“IYO ang bahay na ito​—dinugtungan namin.” Anong pagkaangkup-angkop ng mga salitang ito na nagpapahayag ng damdamin ng mga taong katatapus-tapos lamang ng dalawang taon ng puspusang pagtatrabaho sa tanggapang sangay sa Australia ng Watch Tower Society! Ang mga salitang iyan ay para sa Diyos na Jehova, at bahagi ng isang awit na kinatha para sa isang pantanging okasyon. Anong okasyon? Ang pag-aalay sa bagong mga bahaging idinagdag sa tahanang Bethel at sa pabrika.

Kaybilis-bilis ba ng Paglawak?

Nakapagtataka naman, wala pang pitong taon, isang katulad na pag-aalay ang naganap para sa noo’y bagong katatayong Bethel complex sa Ingleburn, sa karatig ng Sydney, Australia sa may gawing timog-kanluran. Bakit nga ba kinailangan ang kaybilis-bilis namang patuloy na pagpapalawak?

Unang-una, ang bilang ng mga Saksi sa Australia ay dumami mula sa di-kukulangin sa 32,000 noong 1981 hanggang sa sukdulang dami na 51,152 noong Oktubre 1989, at kinailangan na magdagdag sa mga manggagawa sa Bethel. Isa pa, nagkaroon ng malaking karagdagan sa bilang ng literatura na ipinadadala ng Australia sa ibang mga sangay. Sa kasalukuyan, ang Australia ay naghahanda ng mga publikasyon sa 37 iba’t ibang wika upang magsilbi sa pangangailangan ng Fiji, Indonesia, Papua New Guinea, New Caledonia, New Zealand, Solomon Islands, Tahiti, Vanuatu, Niue, Western Samoa, Tonga, Tuvalu, at Wallis Islands, kasali na rin ang Australia. Sa gayon, ang pamilyang Bethel ay mabilis na lumaki hanggang sa magkaroon ng 164 miyembro.

Upang magkasiya rito ang lumalaking pamilyang ito, maaga noong 1987 isang bagong tatlong-palapag na ekstensiyon ng opisina ang natapos, nagkaroon ng lubhang-kailangang karagdagang espasyo ng opisina. Sumunod, inaprobahan ng Lupong Tagapamahala ang pagtatayo ng isang tatlong-palapag na dugtong sa pabrika at isang ekstensiyon na limang-palapag na tirahan. Noong Enero 1988 sinimulan ang paggawa sa bagong pabrikang idinagdag, na magbibigay ng higit pang 3,600 metro kuwadrado ng espasyo ng sahig. Makalipas ang mga ilang buwan, nagsimula naman ang trabaho sa ekstensiyon ng tirahan, na magbibigay ng karagdagan pang 51 silid-tulugan.

Pagsasakripisyo at Bukas-Palad na Pagbibigay

Nagpadala ng mga paanyaya sa mga kongregasyon sa buong bansa na nanawagan ng mga boluntaryo na maaaring maging bahagi ng isang “pamilya sa konstruksiyon” sa loob ng hanggang dalawang taon. Sapat-sapat ang pagtugon, at mga boluntaryo buhat sa lahat ng uri ng trabaho ang agad-agad tumugon. Mahigit na 700 bukud-bukod na mga porma ng aplikasyon ang tinanggap, at sa buong panahon ng konstruksiyon, lahat-lahat ay 270 boluntaryo ang dumating at nagtrabaho sa proyekto sa loob ng panahong mula sa dalawang linggo hanggang sa halos dalawang taon.

Isang Saksi ang may-ari ng isang negosyong pagtatambak ng lupa sa hilagang estado ng Queensland. Kaniyang ibinenta ang isang bahagi ng kaniyang negosyo, at silang dalawa ng kaniyang maybahay ay naging bahagi ng pamilya sa konstruksiyon mula sa pasimula. Siya’y bumili ng isang malaking makina sa paghuhukay at siya ang gumawa ng karamihan ng trabahong paghuhukay na hindi nagpabayad sa Samahan. Nang ang kalakhang bahagi ng paghuhukay ay matapos, kaniyang ibinenta ang makina at siya’y nanatili pa roon upang magtrabaho sa mga ibang bahagi ng konstruksiyon. Ito’y isa lamang sa mainam na espiritu ng pagsasakripisyo sa sarili na ipinamalas ng lahat sa buong panahon ng proyekto.

May mga Saksing nagdonasyon ng paggamit ng mga trak na may pambomba ng kongkreto na magbubuhos ng 3,300 metro kubiko ng kongkretong kailangan para sa walong palapag sa dalawang gusali. Ang iba’y nagdonasyon ng mga materyales na kailangan para sa 22,000-litrong kongkretong mga tangke ng tubig, at ang mga Saksing nagtatrabaho sa pabrika ay nagdonasyon ng kanilang trabaho sa paggawa ng mga tangke.

Mangyari pa, hindi lahat ng mga boluntaryo ay bihasang mga manggagawa. Oo, maraming mga lalaking kabataan ang natuto ng mga bagong trabaho doon mismo sa lugar ng konstruksiyon. Marami ang naging mahuhusay na endrilyador sa kanilang pagtulong sa paglalatag ng kalahating milyong mga ladrilyo na kailangan para sa proyekto. Ang iba naman ay natutong maglatag ng tisa sa dingding at sa sahig, at sa loob lamang ng mga ilang linggo, isang sister ang naging bihasa sa paglalapat ng wallpaper.

Araw ng Pag-aalay

Ang araw ng pag-aalay, Sabado, Nobyembre 25, 1989, ay nagsimula na maaliwalas at umaaraw​—isang magandang araw sa may dulo ng tagsibol. Ang ikalawang palapag ng bagong dagdag na pabrika ay inayos upang magsilbing malaking auditorium para sa programa ng pag-aalay. Sa pamamagitan ng closed-circuit television ay nagkaugnay-ugnay ang mga seksiyon ng dalawa pang palapag ng pabrika at ng palapag para sa shipping (kargamento), ang Bethel auditorium, at ang bulwagang-kainan ng Bethel. Kaya naman may komportableng mga upuan sa loob para sa mahigit na 3,000.

Dahilan sa limitado ang espasyo, yaon lamang mga bautismado ng mga 40 taon ang inanyayahan na dumalo kasali na ang personal na mga panauhin ng mga pamilyang Bethel at konstruksiyon. May mga pamatid-uhaw sa umaga, at isang kahong may lamang masarap na pananghalian sa tanghali. Nang ika-9:00 n.u., ang taunang pagpupulong ng Watchtower Society of Australia ay ginanap, at lahat ng 21 kagawad ng korporasyon sa Australia ay nagsidalo. Pagkatapos ng kinakailangang mga detalye na kahilingan ng batas, ang mga iba pa ay inanyayahan sa pulong, at lahat ay nasiyahan na makarinig ng pahayag ni Theodore Jaracz ng Lupong Tagapamahala.

Sa ganap na ika-1:45 n.h., 15 minuto ng musikang pang-Kaharian ang nagsilbing pasakalye sa programa ng pag-aalay. Ang mga dumalo ay nasiyahan sa pakikinig sa mga pag-uulat, sa interesanteng mga anekdota, karanasan, at komento ng tatlong kagawad ng Lupong Tagapamahala na naroroon. Sa kanilang tatlo, si Carey Barber at si Daniel Sydlik ay unang pagkakataon na dumalaw sa lupain na nasa ilalim. Si Brother Barber ay nagpahayag sa paksang “Ang Pag-aani Ay Katapusan ng Yugto ng Panahon,” samantalang si Brother Sydlik ay nagpahayag naman sa temang “Maligaya ang Bayan na si Jehova ang Diyos.” Si Brother Jaracz, na naglilingkod sa sangay sa Australia bilang tagapangasiwa ng sona, ang nagbigay ng pahayag sa pag-aalay.

Ang isang nakalulugod na bahagi ng programa ay ang pag-awit ng isang apat-na-istropang awitin sa mga sandaling bago magbigay ng pahayag sa pag-aalay. Salig sa mga salita ni Isaias sa Isaias 60:22, ang pamagat ng awitin ay “Ang Munti ay Magiging Isang Libo.” Sa liriko ay nagpahayag ng pasasalamat kay Jehova na maraming nagkusang mga boluntaryo ang nagkaroon ng pribilehiyong makapagdagdag sa ‘kaniyang bahay’ sa bahaging ito ng larangang pambuong-daigdig.

[Mga larawan sa pahina 15]

Bagong dagdag sa palimbagan ng Watch Tower sa Ingleburn, N.S.W., Australia

C. Barber

T. Jaracz

D. Sydlik

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share