Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w90 9/15 p. 28
  • Ang Kahulugan ng Kawikaan

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ang Kahulugan ng Kawikaan
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1990
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Bakit Magmamakaawa Para sa Halik ng Kaaway?
  • Papaanong ang Matuwid ay Dumarami Pagka Namamatay ang Balakyot?
  • Lumakad sa ‘Landas ng Katapatan’
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2001
  • ‘Ang Isa na Mabuti ay Nagtatamo ng Pagsang-ayon ng Diyos’
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2003
  • Katuwiran
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • ‘Ang mga Pagpapala ay Para sa Matuwid’
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2001
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1990
w90 9/15 p. 28

Ang Kahulugan ng Kawikaan

Bakit Magmamakaawa Para sa Halik ng Kaaway?

GANITO ang napansin ng kinasihan ng Diyos na taong pantas: “Tapat ang mga sugat na likha ng isang kaibigan, ngunit ang mga halik ng isang kaaway ay mga bagay na ipagmamakaawa.” (Kawikaan 27:6) Papaano nga dapat unawain ang mga salitang ito?

Ang isang taong umiibig sa iyo ay susugatan ka ng isang makasagisag na sugat sa isang tapat na paraan. Marahil ay papayuhan ka niya nang may pag-ibig sa kaniyang puso at taglay ang pag-asang gawan ka ng mabuti. Hindi na kailangang magmakaawa ka pa sa isang tunay na kaibigan para bigyan ka ng gayong tulong o kahit na ng saway pagka kailangan mo iyon. At anong dunong mo kung iyong magiliw na tatanggapin ang kinakailangang payo, magaling na puna, o kinakailangang saway!

Subalit, kung ibig mong ang isang napopoot sa iyo ay gumawa para sa iyo ng isang kabaitan, ikaw ay kailangang magmakaawa sa kaniya. Bakit? Sapagkat dahilan sa kaniyang pagkapoot natural na hindi niya gustong halikan ka. Bagkus, ang gusto niya’y makitungo sa iyo sa isang paraang may kalupitan. Ang anumang posibleng kabaitan na ipakikita niya sa iyo ay makakamit lamang sa kaniya nang may kahirapan at pagmamakaawa mo.

May kaugnayan sa bagay na ito ang isa sa mga talinghaga na ibinigay ni Jesu-Kristo. Minsan ay binanggit niya ang isang babaing balo na ipinaghiganti sa kaniyang kagalit ng isang hukom na walang takot sa Diyos o paggalang man sa tao. Papaano siya (ang babae) nagtagumpay? Pinangyari ng hukom na makamtan ng babae ang tagumpay na nararapat sa kaniya dahil lamang sa ang babae ay patuloy na nagmakaawa sa kaniya. Ginamit ni Jesus ang halimbawang ito upang maikintal sa kaniyang mga alagad “ang pangangailangan na sila’y laging manalangin at huwag manlulupaypay.”​—Lucas 18:1-8.

Papaanong ang Matuwid ay Dumarami Pagka Namamatay ang Balakyot?

Ang Kawikaan 28:28 ay nagsasabi: “Pagka ang balakyot ay bumabangon, ang tao’y nagkukubli; ngunit pagka sila’y namamatay, ang matuwid ay dumarami.” Papaano nga napatutunayang totoo ito?

Ang balakyot ay “bumabangon” sa kapangyarihan, marahil bilang malulupit na mga pinunò. Sa gayong panahon, ang taong matuwid ay nagkukubli. Baka ganoon ang kaniyang ginagawa dahilan sa natatakot siya sa kanilang paniniil. At bakit nga hindi? Totoo naman na “dominado ng tao ang tao sa kaniyang ikapipinsala.”​—Eclesiastes 8:9.

Gayunman, pagka namatay ang balakyot, ang matuwid na mga tao “ay dumarami.” Sa papaano? Marahil sa dahilang ang matuwid ay lumalabas sa kanilang pinagtataguan at makikita sa mga hayag na dako. Sila sa gayon ay mabubuhay at waring dumarami pa sapagkat hindi na nila kailangan ang magtago pa. Pagka namamahala na ang matuwid, kanilang parurusahan ang mga manggagawa ng kasamaan at matuwid na asal ang itataguyod nila. Ito rin naman ay magpapakaunti sa bilang ng mga taong di-matuwid at pararamihin nito ang mga matuwid.​—Ihambing ang Kawikaan 28:12; 29:2.

Malapit nang makita ng mga matuwid ang kamatayan ng mga balakyot dito sa lupa sa mabilis na napipintong “araw ng galit ni Jehova.” Kung gayon, hanapin ninyo ang katuwiran at kaamuan ayon sa mga pamantayan ng Diyos, at kaipala kayo ay maliligtas tungo sa bagong sanlibutan ng Diyos, na kung saan tunay nga na darami ang matuwid.​—Zefanias 2:2, 3; 2 Pedro 3:11-13.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share