Siya’y “Nakipagbaka ng Mabuting Pakikipagbaka”
Natapos ni Brother F. E. Skinner ang kaniyang makalupang takbuhin sa buhay noong Hulyo 4, 1990. Si Edwin Skinner ay 96 taóng gulang at naglingkod ng buong-panahon sa India sapol noong Hulyo 1926 alang-alang sa kapakanan ng Kaharian ni Jehova. Siya’y nabautismuhan sa Inglatera noong 1919. Ang salaysay ng kaniyang buhay ay napalathala sa Ang Bantayan ng Enero 1, 1990. Tunay na si Brother Skinner ay isang taong may pananampalataya at pagkamatiisin sa pagtakbo ng kaniyang takbuhin hanggang sa katapusan, at tiyak na nakamit na niya ang kaniyang gantimpala.—2 Timoteo 4:7, 8.