Nais ba Ninyo na Kayo’y Dalawin?
Nais ng isa sa mga Saksi ni Jehova na dalawin kayo at tulungan kayo na maragdagan pa ang inyong kaalaman tungkol sa Diyos, sa kaniyang Kaharian, at sa kaniyang mga layunin, gaya ng nasusulat sa Bibliya. Kami’y nagtitiwala na ang impormasyong ito ay tutulong sa inyo, sapagkat ito’y magbibigay ng mapanghahawakang mga sagot sa mga suliranin na nakaharap sa ating lahat ngayon. Ang mga Saksi ni Jehova ay nagdaraos ng personal at panggrupong pagtuturo sa Bibliya na libre.
Kaya kung ibig ninyong isang taong kuwalipikado ang dumalaw sa inyo sa inyong tahanan o sa mga ibang lugar na kombinyente, malulugod kaming isaayos iyon. Kayo’y tutulungan na matagpuan ninyo hindi lamang ang mga sagot sa inyong mga tanong sa Bibliya kundi pati mga sagot sa mga suliranin sa ngayon na maaaring malutas sa pamamagitan ng pagkakapit ng mga simulain sa Bibliya. Upang makinabang kayo sa paglilingkod na ito, pakisulat lamang ang impormasyong hinihingi sa ibaba at ihulog sa direksiyon na nasa kupon.
Nais ko pong makaalam pa nang higit tungkol sa Bibliya. Pakisuyong isaayos ang pagdalaw sa akin.