Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w90 11/15 p. 32
  • Ang Pinakamainam na Panahon ng Buhay

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ang Pinakamainam na Panahon ng Buhay
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1990
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1990
w90 11/15 p. 32

Ang Pinakamainam na Panahon ng Buhay

Isang kabataan na taga-Nigeria, Kanlurang Aprika, ang sumulat kamakailan: “Dati, akala ko ang panahon ng kabataan ang pinakamahirap na panahon sa buhay ng isang tao at na ang pinakamasayang edad ay yaong edad na ang isang tao ay isang ama o isang ina o pagka siya’y isang adulto na.”

Ngunit nagkataon na ang kabataang Aprikanong ito ay tumanggap ng isang kopya ng aklat na Ang Iyong Kabataan​—Pagkakamit ng Pinakamainam Dito. “Maraming-maraming salamat po,” isinulat niya. “Ang aklat na ito ay tumulong sa akin sa napakaraming paraan.” Siya’y nagtapos: “Ngayon, pagkatapos mabasa ang aklat na ito, natanto ko na ang kabataan ang pinakamainam na edad.”

Ang mga kabataang nagsisilaki sa maligalig na mga panahong ito ay nakaharap sa maraming mga bagong kalagayan at kailangang gumawa ng maseselang na desisyon. Ang isang kabataan ba ay dapat manigarilyo o gumamit ng mga droga? Ano ang nararapat na asal sa pakikitungo sa hindi mo kasekso? Kumusta naman ang masturbasyon at homoseksuwalidad?

Ang maling mga desisyon ay maaaring humantong sa lahat ng uri ng dalamhati at suliranin. Ang Iyong Kabataan​—Pagkakamit ng Pinakamainam Dito ay tumatalakay sa lahat ng binanggit na mga tanong at marami pang iba. Kung nais mong tumanggap ng isang sipi, pakisuyong sulatan at ihulog sa koreo ang kupon.

Nais ko pong tumanggap ng 192-pahinang pinabalatang aklat na Ang Iyong Kabataan​—Pagkakamit ng Pinakamainam Dito. (Sumulat sa direksiyon sa ibaba para sa impormasyon. Sa labas ng Pilipinas, sumulat sa lokal na sangay ng Watch Tower para sa impormasyon. Tingnan ang pahina 2.)

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share