Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w91 2/1 p. 32
  • “Ako’y Nagsisiklab sa Galit”

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • “Ako’y Nagsisiklab sa Galit”
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1991
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1991
w91 2/1 p. 32

“Ako’y Nagsisiklab sa Galit”

Isang 15-taóng-gulang na dalagita na taga-Knoxville, Tennessee, ang sumulat: “Nais ko pong magpasalamat sa inyo dahil sa inyong bagong aklat na Ang mga Tanong ng mga Kabataan​—Mga Sagot na Lumulutas. Ako po’y totoong nasiyahan sa pagbabasa nito.”

Pagkatapos ay kaniyang ipinaliwanag kung ano ang nag-udyok sa kaniya na sumulat ng liham: “Ako’y nagsisiklab sa galit sa aking kapatid na lalaki sapagkat kaniyang isinumbong ako dahilan sa hindi ko paggawa ng mga bagay sa bahay na kailangang gawin ko. Ngayon na aming nalutas na iyon, nadarama kong ako ang may kasalanan at naparoon ako sa aking kuwarto upang sumulat sa inyo at basahin ang ‘Bakit Napakahirap Pakisamahan ang Aking mga Kapatid?’ (Kabanata 6) Alam ko po na ito’y makatutulong sa pagharap sa mga problema sa hinaharap.”

Ang kabataan ay nakaharap sa maraming tanong na nangangailangan ng matatag na pasiya: Ako ba’y handa nang makipag-date? Papaano ko malilimutan ang isang crush? Tama kaya ang pagsisiping muna bago ang kasal? Papaano ko malalaman kung ito nga’y tunay na pag-ibig? Anong karera ang dapat kong piliin? Papaano ko malalabanan ang panggigipit ng kasamahan? Para sa ganiyang mga tanong at mga iba pa, ang kabataan ay nangangailangan ng mga sagot na lumulutas.

Inaakala namin na ikaw ay makikinabang nang malaki sa aklat na Ang mga Tanong ng mga Kabataan​—Mga Sagot na Lumulutas, na may isang kabanata para sa bawat isa sa mga tanong na ito. Para sa impormasyon kung papaano tatanggap ng isang kopya ng kaakit-akit at may larawan na aklat na ito, punan mo at ihulog sa koreo ang kupon.

Nais ko pong tumanggap ng 320-pahinang pinabalatang aklat na Ang mga Tanong ng mga Kabataan​—Mga Sagot na Lumulutas. (Sumulat sa direksiyon sa ibaba para sa impormasyon. Sa labas ng Pilipinas, sumulat sa lokal na sangay ng Watch Tower para sa impormasyon. Tingnan ang pahina 2.)

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share