Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w91 2/15 p. 21
  • Isang Masalimuot na Paglapit sa Diyos

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Isang Masalimuot na Paglapit sa Diyos
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1991
  • Kaparehong Materyal
  • Si Maria Ba ang Ina ng Diyos?
    Sagot sa mga Tanong sa Bibliya
  • “Narito! Ang Aliping Babae ni Jehova!”
    Tularan ang Kanilang Pananampalataya
  • Maria (Ina ni Jesus)
    Nangangatuwiran Mula sa Kasulatan
  • Birheng Maria—Ano ang Sinasabi ng Bibliya Tungkol sa Kaniya?
    Sagot sa mga Tanong sa Bibliya
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1991
w91 2/15 p. 21

Isang Masalimuot na Paglapit sa Diyos

“AKO ang daan at ang katotohanan at ang buhay. Sinuman ay hindi makaparoroon sa Ama kundi sa pamamagitan ko,” ang sabi ni Jesu-Kristo. Kaniyang isinusog: “Katotohanang, katotohanang sinasabi ko sa inyo, Kung kayo’y hihingi ng anuman sa Ama kaniyang ibibigay iyon sa inyo sa aking pangalan.”​—Juan 14:6; 16:23.

Gayunman, sa loob ng kung ilang mga siglo, dahil sa mga relihiyon ng Sangkakristiyanuhan, lalo na ang Iglesiya Katolika Romana, na may mga doktrina tungkol sa apoy ng impiyerno, purgatoryo, at Trinidad, “ang daan” ay naging masalimuot. Si Jesus ay inilarawan, hindi bilang ang nagkusang maging tagapamagitan para sa makasalanang mga tao, kundi bilang isang kalung-kalong na sanggol o bilang isang nakasisindak na hukom, na mas mahilig humatol at magparusa sa mga makasalanan imbis na iligtas sila. Kung gayon, papaano makalalapit sa Diyos ang isang makasalanan?

Ang aklat na The Glories of Mary (1750) ay nagpapaliwanag. Sa paghahambing kay Jesus sa naglalagablab na araw ng katarungan, si Papa Inocente III noong ika-13 siglo ay nagpahayag: “Sinuman na nasa karimlan ng kasalanan, itingin niya ang kaniyang mga mata sa buwan, siya’y manalangin kay Maria.” Kay Maria, na ina ni Jesus, isa pang tagapamagitan ang inimbento. Marahil sa pamamagitan ng kaniyang ipinagpapalagay na impluwensiya bilang isang ina, maaaring makahingi ng pabor kay Jesus at sa Diyos. Samakatuwid, sa mga salita ni Laurence Justinian, isang klerigo noong ika-15 siglo, si Maria ay naging “hagdanan patungo sa paraiso, pintuan ng langit, ang pinaka-tunay na tagapamagitan sa Diyos at sa tao.”

Pagkatapos na ibigay sa kaniya ang lahat ng kapurihan, dumating ang panahon na siya’y hindi lamang itinuturing na ang “Birheng Maria” kundi siya’y ang “Banal na Reyna, Ina ng Awa,” itinuturing na totoong kalinis-linisan at pagkadaki-dakila kung kaya’t siya rin naman ay totoong sagrado para tuwirang lapitan. Mayroon pa kayang masusumpungang isa pang tagapamagitan? Kumusta naman ang kaniyang ina?

Yamang ang Bibliya ay walang binabanggit tungkol sa paksang iyan, sa ibang lugar humanap ng kasagutan. Ang Apokripal na aklat na Protevangelium ni Santiago ay naglalahad ng istorya ni Anne (o Anna), ang asawa ni Joachim, na walang anak pagkaraan ng maraming taon ng pagkamay-asawa. Sa wakas, isang anghel ang nagpakita sa kaniya at ibinalita na siya’y magkakaanak. Sa takdang panahon, siya ang naging ina ni “Birheng Maria,” ayon sa sabi.

Sa ganoo’y bumangon ang isang kulto ng “Santa” Anne. Nagtayo alang-alang sa kaniyang karangalan ng mga bahay-sambahan at mga simbahan. Ang pagsamba kay “Santa” Anne ay lumaganap sa Europa noong ika-14 na siglo.

“Anong pagkasali-salimuot ang kinalabasan ng relihiyon!” ang sabi ng aklat na The Story of the Reformation. “Ang mga tao’y nanalangin kay Anna na naging tagapamagitan kay Maria na naging tagapamagitan sa kaniyang Anak na naging tagapamagitan naman sa Diyos para sa mga taong makasalanan. Iyon ay di-kapani-paniwala, ngunit siyang uri ng mapamahiing paniwala na nagsilbing pagkain sa mga kaluluwa ng mga tao.” Narito, kung gayon, ang isa pang kaso na kung saan tumpak na kumakapit ang mga salita ni Jesus: “Inyong niwawalang-kabuluhan ang salita ng Diyos dahil sa inyong sali’t saling-sabi.”​—Marcos 7:13.

[Picture Credit Line sa pahina 21]

The Metropolitan Museum of Art, Request of Benjamin Altman, 1913. (14.40.633)

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share