Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • ijwbq artikulo 136
  • Si Maria Ba ang Ina ng Diyos?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Si Maria Ba ang Ina ng Diyos?
  • Sagot sa mga Tanong sa Bibliya
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Ang sagot ng Bibliya
  • Kung Ano ang Matututuhan Natin sa Halimbawa ni Maria
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2009
  • Sambahin ang Maylikha, Hindi ang Nilikha
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1989
  • “Narito! Ang Aliping Babae ni Jehova!”
    Tularan ang Kanilang Pananampalataya
  • Naisip Mo Na Ba?
    Gumising!—1996
Iba Pa
Sagot sa mga Tanong sa Bibliya
ijwbq artikulo 136
Si Maria at ang sanggol na si Jesus

Si Maria Ba ang Ina ng Diyos?

Ang sagot ng Bibliya

Hindi. Hindi itinuturo ng Bibliya na si Maria ang ina ng Diyos, ni sinasabi man nito na dapat sambahin o bigyang-pakundangan ng mga Kristiyano si Maria.a Pag-isipan ito:

  • Hindi kailanman inangkin ni Maria na siya ang ina ng Diyos. Ipinaliwanag ng Bibliya na ipinanganak niya ang “Anak ng Kataas-taasan” o ang “Anak ng Diyos,” hindi ang Diyos mismo.—Lucas 1:32, 35.

  • Hindi kailanman sinabi ni Jesu-Kristo na si Maria ang ina ng Diyos o na dapat pag-ukulan si Maria ng debosyon. Sa katunayan, itinuwid ni Jesus ang isang babae na nagbigay ng espesyal na atensiyon sa papel ni Maria bilang ina ni Jesus. Sinabi niya: “Hindi, sa halip, Maligaya yaong mga nakikinig sa salita ng Diyos at tumutupad nito!”—Lucas 11:27, 28.

  • Ang pananalitang “Ina ng Diyos” at “Theotokos” (Nagsilang sa Diyos) ay hindi makikita sa Bibliya.

  • Sa Bibliya, ang pananalitang “reyna ng langit” ay tumutukoy, hindi kay Maria, kundi sa isang diyos-diyosang sinasamba ng mga apostatang Israelita. (Jeremias 44:15-19) Posibleng ang “reyna ng langit” ay tumutukoy kay Ishtar (Astarte), isang diyosa ng mga Babilonyo.

  • Hindi sinamba ng unang mga Kristiyano si Maria, ni binigyan siya ng espesyal na karangalan. Sinabi ng isang istoryador na ang unang mga Kristiyano ay “malamang na tumanggi sa mga kulto at natakot na baka ang di-nararapat na atensiyon kay Maria ay magmukhang pagsamba sa diyosa.”—In Quest of the Jewish Mary.

  • Sinasabi ng Bibliya na mula’t sapol, umiiral na ang Diyos. (Awit 90:1, 2; Isaias 40:28) Dahil wala siyang pasimula, hindi siya puwedeng magkaroon ng ina. Karagdagan pa, hindi puwedeng ipagbuntis ni Maria ang Diyos sa kaniyang sinapupunan; malinaw na sinasabi ng Bibliya na kahit sa mga langit ay hindi magkakasya ang Diyos.—1 Hari 8:27.

Maria—Ina ni Jesus, hindi “Ina ng Diyos”

Si Maria ay ipinanganak na Judio, at inapo siya ni Haring David. (Lucas 3:23-31) Siya ay lubhang kinalulugdan ng Diyos dahil sa kaniyang pananampalataya at debosyon. (Lucas 1:28) Pinili siya ng Diyos para maging ina ni Jesus. (Lucas 1:31, 35) Nagkaroon pa ng ibang mga anak si Maria at ang asawa niyang si Jose.—Marcos 6:3.

Kahit ipinakita ng Bibliya na si Maria ay naging alagad ni Jesus, wala nang gaanong impormasyon na ibinigay tungkol sa kaniya.—Gawa 1:14.

Bakit ina ng Diyos ang tawag ng iba kay Maria?

Ang pinakamatandang ebidensiya ng pagpapakita ng debosyon kay Maria ay mula noong huling bahagi ng ikaapat na siglo C.E. Nang panahong iyon, Katolisismo ang naging opisyal na relihiyon ng Imperyo ng Roma. Dahil dito, maraming pagano ang naging mga “Kristiyano.” Nagsimula na ring ituro ng simbahan ang Trinidad, isang doktrinang hindi batay sa Kasulatan.

Dahil sa doktrina ng Trinidad, marami ang nangatuwiran na kung si Jesus ang Diyos, tiyak na si Maria ang ina ng Diyos. Noong 431 C.E., isang konsilyo ng simbahan sa Efeso ang nagdeklarang si Maria ang “Ina ng Diyos.” Ang Mariolatry—o labis na pagpapakundangan kay Maria—ay lumaganap pagkatapos ng Konsilyo ng Efeso. At habang umaanib sa simbahan ang mga pagano, unti-unting napalitan ng mga larawan at imahen ni Maria ang mga imahe ng kanilang mga diyosa ng pag-aanak, gaya ni Artemis (Diana, para sa mga Romano) at ni Isis.

Noong 432 C.E., iniutos ni Pope Sixtus III na magtayo ng isang simbahan sa Roma bilang parangal sa “Ina ng Diyos.” Itinayo ito malapit sa lugar ng dating templo para kay Lucina, ang Romanong diyosa ng panganganak. Sinabi ng isang awtor na ang simbahang ito ay “simbolo kung paanong ang Dakilang Ina ng paganong mga kulto ay naging bahagi ng kulto ni Maria nang maging Kristiyano ang Roma.”—Mary—The Complete Resource.

a Maraming relihiyon ang nagtuturo na si Maria ang ina ng Diyos. Tinatawag nila siya na “Reyna ng Langit” o bilang Theotokos, isang salitang Griego na nangangahulugang “Nagsilang sa Diyos.”

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share