Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w91 7/1 p. 32
  • “Bakit Namamatay ang mga Sanggol?”

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • “Bakit Namamatay ang mga Sanggol?”
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1991
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1991
w91 7/1 p. 32

“Bakit Namamatay ang mga Sanggol?”

Iyan ang ibig maalaman ng isang pamilyang namatayan ng dalawang maliliit na mga anak. Ganito ang paliwanag ng isang lalaking taga-Willowick, Ohio, E.U.A.:

“Kamakailan isang trahedya ang naganap sa aking pamilya. Ang aking kapatid na babae sa laman ay nawalan ng kaniyang dalawang sanggol na anak sa isang kalagim-lagim na aksidente sa auto. Sabihin pa, ang buong pamilya ay dumanas ng di-kawasang pamimighati at panlulupaypay. Ang kanilang ministrong Baptist ay walang naibigay na anumang kaaliwan buhat sa Kasulatan. Wala siyang tanging nasabi kundi, ‘Iyon ay kalooban ng Diyos’ at, ‘Kailangan ng Diyos ang dalawa pang mga anghel.’

“Bagaman may maikling-maikling panahon para magsaliksik, nagbuklat ako ng aklat na Nangangatuwiran Mula sa Kasulatan at sa paksa nito na ‘Bakit Namamatay ang mga Sanggol?’ Nang sumunod na mga araw at mga linggo, kami ng aking maybahay ay nakabahagi kasama ng aking pamilya sa katotohanang mga kasagutan sa marami sa kanilang mga tanong, tulad ng, ‘Bakit namamatay ang mga sanggol?’ ‘Kalooban ba ng Diyos na kunin ang mga anak sa kanilang mga magulang?’ at, pinakamahalaga, ‘Ano ba ang pag-asa na makita muli ang magagandang batang ito?’ Sinabi ng aking mga magulang na ibig nilang pumunta sa Kingdom Hall sa hinaharap.”

Ang Nangangatuwiran Mula sa Kasulatan ay may mahigit na 70 pangunahing paksa. Kasali roon ang “Kamatayan,” “Impiyerno,” “Kaluluwa,” “Rapture,” “Reinkarnasyon,” “Sekso,” “Espiritismo,” at marami pang iba. Ang pitong-pahinang indese ng mga paksa at mga Kasulatan ay makatutulong sa inyo upang madaling masumpungan ang mga sagot. Upang tumanggap ng impormasyon kung papaano magkakaroon ng isang kopya, pakisuyong punan at ihulog sa koreo ang kupon.

Nais ko pong tumanggap ng pinabalatang 448-pahinang reperensiyang aklat na Nangangatuwiran Mula sa Kasulatan. (Sumulat sa direksiyon sa ibaba para sa impormasyon. Sa labas ng Pilipinas, sumulat sa lokal na sangay ng Watch Tower para sa impormasyon. Tingnan ang pahina 2.)

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share