Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w91 8/1 p. 3-4
  • Ang Huling Paghuhukom

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ang Huling Paghuhukom
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1991
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Ang Doktrina ng Sangkakristiyanuhan
  • Ang Araw ng Paghuhukom—Isang Panahon ng Pag-asa!
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1991
  • Ano ang Araw ng Paghuhukom?
    Gumising!—2010
  • Ang Araw ng Paghuhukom at Pagkaraan Nito
    Maaari Kayong Mabuhay Magpakailanman sa Paraiso sa Lupa
  • Araw ng Paghuhukom
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1991
w91 8/1 p. 3-4

Ang Huling Paghuhukom

“PAGKA namatay ka ang iyong kaluluwa ay pahihirapang mag-isa; iyan ay magiging impiyerno para rito: ngunit sa araw ng paghuhukom ang iyong katawan ay makakasama ng iyong kaluluwa, at pagkatapos ikaw ay magkakaroon ng kambál-na-impiyerno, ang iyong kaluluwa ay magpapawis ng mga patak ng dugo, at ang iyong katawan ay matitigmak ng paghihirap.”

GANITO inilarawan ng predikador na si C. H. Spurgeon ng ika-19 na siglo ang pagkakilala ng klero sa araw ng paghuhukom at ang paghihirap ng mga hinukuman. Ang Italyanong pintor na si Michelangelo ay may nahahawig na kakila-kilabot na paniniwala, gaya ng makikita sa kaniyang ipinintang larawan na “Ang Huling Paghuhukom” (na ang isang bahagi ay nakalarawan sa itaas), sa pader ng Sistine chapel sa Roma. Ganito ang sabi ng The New Encyclopædia Britannica tungkol sa ipinintang larawang ito: “Ang Kristo sa Paghuhukom ay isang manunuligsang diyos imbes na isang tagapagligtas na Kristiyano, na lalong higit na palaisip sa pagpapahamak sa sangkatauhan kaysa pagsalubong sa mga pinagpala sa langit.”

Ang Doktrina ng Sangkakristiyanuhan

Noong lumipas na mga siglo, ang araw ng paghuhukom at ang apoy ng impiyerno ay paboritong mga paksa para sa mga sermon. Buhat sa kanilang mga pulpito, ang mga predikador na gaya ni C. H. Spurgeon ay nagpahayag nang malakas, sa bombastikong tinig, ng malinaw na paglalarawan sa kakila-kilabot na mga pagpapahirap na naghihintay sa mga makasalanan. Sa ngayon, ang uring iyan ng pangangaral ay bihira nang naririnig. Subalit ang apoy ng impiyerno at ang huling paghuhukom ay opisyal na mga turo pa rin ng karamihan ng mga simbahan.

Ang karamihan ng mga relihiyon ng Sangkakristiyanuhan humigit-kumulang ay kaisa ng turong Romano Katoliko na may dalawang yugto ang paghuhukom ng Diyos. Una, nariyan ang “natatanging paghuhukom.” Pagka namatay ang isang tao, ang ipinalalagay na walang-kamatayang kaluluwa niya ay kaagad hinahatulan at idinedestino nang walang-hanggan sa impiyerno o dili kaya ay sa langit.a Pagkatapos ay nariyan ang huli, o pangkalahatan, na paghuhukom sa katapusan ng panahon pagka ang mga katawan ng nangamatay ay binuhay-muli at muling napalakip sa kanilang mga walang-kamatayang kaluluwa.

Sa araw na ito ng paghuhukom, ang mga kaluluwa sa langit ay nananatili roon at muling napapalakip sa mga katawan na ginawang di-nabubulok. Ang mga nagdurusa sa impiyerno ay nananatili rin doon, at ang kanilang mga kaluluwa ay napapalakip din sa binuhay-muli, walang-pagkabulok na mga katawan. Sang-ayon sa ilan, ito’y nagiging sanhi ng lalo pang matitinding paghihirap nila. Ang mga buháy pa bilang mga tao ay hindi nangamamatay. Sila’y hinahatulan samantalang buháy pa at pumupunta, bilang “katawan at kaluluwa” wika nga, deretso sa langit o sa impiyerno.

Dahil sa posibilidad ng pagtitiis ng mahirap sambiting mga kahirapan sa apoy ng impiyerno, ang buong paksa ng katapusang paghatol buhat sa mga kamay ni Jesu-Kristo ay isang bagay na nakakikilabot pag-isipan. Dahilan dito, hindi ka ba magtataka na malaman na, ang totoo, ang mga kahatulan ng Diyos ay kadalasan isang dahilan ng kagalakan at na ang Araw ng Paghuhukom ay magiging isa sa pinakamasayang panahon sa buong kasaysayan ng tao? Papaano nga magiging gayon?

[Talababa]

a Ang mga Romano Katoliko ay naniniwala rin sa pangatlong posibilidad: pansamantalang kaparusahan sa purgatoryo bago maganap ang pangkatapusang pagpasok sa langit.

[Picture Credit Line sa pahina 3]

Random/Sipa Icono

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share