Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w92 7/1 p. 20
  • Mabuting Balita Mula sa Silangang Europa

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mabuting Balita Mula sa Silangang Europa
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1992
  • Kaparehong Materyal
  • “Mula sa Bibig ng mga Sanggol”
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1995
  • Pinagkakaisa ng Pag-ibig ang mga Pamilya
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1989
  • Ang Katotohanan ng Bibliya ang Nagdadala ng Pagkakaisa at Kaligayahan sa Pamilya
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1986
  • Bakit Ayaw sa Akin ng mga Babae?
    Ang mga Tanong ng mga Kabataan—Mga Sagot na Lumulutas, Tomo 1
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1992
w92 7/1 p. 20

Report ng mga Tagapagbalita ng Kaharian

Mabuting Balita Mula sa Silangang Europa

MARAMING kapana-panabik na bagay ang nangyayari sa larangang teokratiko sa Silangang Europa. Namumukud-tangi ang internasyonal na kombensiyon sa Zagreb, Agosto 16-18, 1991, nang 7,300 na mga Saksi ang taus-pusong tumanggap sa kanilang mga kapatid buhat sa 15 mga bansa. Sa kabuuan, 14,684 ang dumalo. Iyon ay isang kahanga-hangang pagpapakita ng pag-ibig at pagkakaisa sa isang bansang niyanig ng kaguluhan!

Ang mga Saksi sa Silangang Europa ay abala ng paghahayag sa iba ng mabuting balita ng Kaharian ni Jehova, na kanilang kinikilalang siyang tanging pag-asa sa tunay na kapayapaan. Sa mga ilang bahagi ay isang hamon para sa kanila na manatili sa kanilang walang-kinikilingang paninindigan. Gayumpaman, ang mga tao ay kalimitang nakikinig, at ang mga Saksi ay nag-uulat ng maraming magagandang karanasan.

Sa isang bayan isang 16-na-taóng-gulang na dalagita ang nakarinig ng mabuting balita buhat sa nag-iisang Saksi ni Jehova sa bayang iyon. Sinimulan ang isang regular na pag-aaral sa Bibliya, at ang kaniyang pagpapahalaga sa katotohanan ay patuloy na lumago. Sa malaking paghahangad na ibalita sa iba ang kahanga-hangang mga bagay na kaniyang natutuhan, kaniyang sinubok na makipag-usap sa kaniyang mga kamag-aral ngunit siya’y napaharap sa pananalansang at pangungutya. Isang kamag-aral ang higit na sumalansang sa kaniya subalit nagtaka at humanga dahilan sa kaniyang katiyagaan, sapagkat ang dalagitang estudyante ng Bibliya ay hindi nagalit sa kabila ng lahat ng pang-iinsulto. Nang malaunan, isang lalong puspusang pagpapatotoo ang ginawa sa dalagitang ito, at kaniyang natalos na mali pala ang kaniyang naging saloobin. Pinasimulan sa kaniya ang isang pag-aaral sa Bibliya, at pagkatapos ang unang nag-aral ng Bibliya at ang kaniyang kasama ay parehong nagsikap na ibahagi sa iba ang kanilang kaligayahan, sa kabila ng pananalansang buhat sa kanilang mga magulang, kanilang guro, at kanilang mga kamag-aral.

Bilang resulta ng kanilang pagpapatotoo, isa pang kamag-aral ang tumanggap ng katotohanan. Ngayon ay may tatlo na sa kanila sa silid-aralan, at silang tatlo ay pawang mabubuting uliran ng pagkukusa sa pagtulong sa iba at sa pagpapakita ng pag-ibig sa isa’t isa. Pagkatapos isa pang dalagita ang sumali sa kanila.

Ngayon ay may apat na nakaupo sa upuan sa looban ng paaralan pagka kanilang tinatalakay roon na sama-sama ang Bibliya. At sa ipinagtaka ng marami, sila’y patuloy na dumami. Isa pang dalagita sa klase, na natuwa sa kanilang magandang asal, ang nagpasiyang sumali sa pag-aaral ng Bibliya. Silang lima ay nagpatuloy na mag-anyaya sa iba, sa mga estudyante at mga guro, na ganoon din ang gawin. Gayumpaman, ang mga batang babae ay patuloy na nakaranas ng malaking panggigipit buhat sa kanilang mga magulang. Pinagsumikapan ng mga magulang na pilitin ang mga dalagita na ihinto ang kanilang pag-aaral ng Bibliya sa pamamagitan ng pagwasak sa kanilang literatura at ng masamang pagtrato sa kanila.

Ano ang resulta ng pagpapatotoong ito na nagsimula sa isa lamang kabataang interesado? Isa sa mga dalagita ang nabautismuhan sa pandistritong kombensiyon noong 1990, at yaong apat pa ay sa isang pansirkitong asamblea noong tagsibol noong 1991. Ito ay isang dahilan ng isang malaking kagalakan! Sa ngayon, lahat ng limang dalagita ay naglilingkod bilang mga regular pioneer! Sa bayan na pinangyarihan nito, mayroon na ngayong 11 mamamahayag, 8 sa kanila ang naglilingkod bilang payunir.

Si Jehova ang umaalalay at nagpapala sa kaniyang mga Saksi sa Silangang Europa. Maliwanag na may malaking potensiyal para sa pagsulong sa gitna ng tapat-pusong mga tao sa panig na ito ng daigdig.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share