Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w92 8/15 p. 31
  • Isang Hakbang Tungo sa Pagbabalik

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Isang Hakbang Tungo sa Pagbabalik
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1992
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1992
w92 8/15 p. 31

Isang Hakbang Tungo sa Pagbabalik

‘SIYA’Y nakipag-usap sa kanila sa pamamagitan ng mga ilustrasyon.’ Ganiyan sinimulan ng Bibliya ang tungkol sa tatlong di-malilimot na mga ilustrasyon ni Jesus tungkol sa awa​—ang isang nawalang tupa, ang nawalang baryang drakma, at ang alibughang anak.​—Lucas 15:3-32.

Dalawang artikulo sa Ang Bantayan ng Abril 15, 1991, ang sumuri sa mga ilustrasyong iyon at tumulong sa maraming mambabasa na makita kung papaano maipakikita ang awa sa ngayon. Ang pangunahing pinagtutukan ng pansin ay ang espirituwal na mga pastol sa kusang paghanap sa mga taong natiwalag ngunit maaaring tumugon sa may kabaitang mga pagdalaw. Ano ba ang naging resulta ng mga artikulong ito at ng bagong pamamaraan?

Di nagluwat pagkatapos na malathala ang magasin, isang lalaki sa estado ng Washington, E.U.A., ang sumulat: “Ang katunayan ng saganang maibiging awa ni Jehova ay dumating sa akin sa pamamagitan ng koreo ngayon. Ako’y nakaupo rito na lumuluha at may kagalakan sa aking puso sa mga paglalaan at mga pagbabago na ginawa ng Kataas-taasan. Isang makatarungang Diyos lamang ang makatutulong sa mga tulad-tupa na nawaglit. . . . Opo, ako’y natiwalag ngunit malapit na akong maibalik.” Noong Oktubre siya ay napabalik.

Kumusta naman ang tungkol sa pagdalaw ng dalawang matanda sa kongregasyon? Isang asawang babaing Kristiyano ang sumulat: “Hindi maipahayag ng mga salita ang aking damdamin. Ang aking asawang lalaki ay natiwalag nang mga 13 taon. Siya’y dinalaw ng matatanda, gaya ng mungkahi ng artikulo. Kagabi sa unang pagkakataon sa loob ng maraming taon, siya’y dumalo sa isa sa mga pulong. Siya ngayon ay nagsisikap na magpanibagong-buhay at bumalik.”

Samantalang ang naglalakbay na mga tagapangasiwa ay dumadalaw sa sunud-sunod na mga kongregasyon, kanilang nakikita ang mga resulta. Isang tagapangasiwa ng sirkito ang sumulat kamakailan:

“Nang ilathala ang Abril 15, 1991, na Bantayan, marami ang nasasabik na malaman kung ano ang itutugon sa matatanda na dumadalaw. Ang kasagutan ay kitang-kita na ngayon.

“Sa aming sirkito, ang huling apat na kongregasyon na aking dinalaw ay nakasaksi ng pagbabalik sa mga Kingdom Hall ng siyam katao. Bagaman iisa lamang ang napabalik, yaong walo ay may mainam na pagsulong. Ang matatanda at ang mga kongregasyon ay nasasabik na makita ang bunga ng kanilang pagpapagal at ang karunungan ng pagkakapit ng mga tagubiling teokratiko.

“Tayo’y nagagalak sa mainam, maawaing kaayusang ito. Gaya ng sabi ng isang naibalik na sister, ‘Kulang ako ng lakas ng loob na bumalik sa ganang sarili, palibhasa’y aking nararamdaman na ako’y hinatulan na sa harap ni Jehova. Subalit nang dumalaw ang matatanda, pampatibay-loob lang pala ang kailangan ko upang makabalik.’ Ang kaniyang kasiglahan ay lubhang nagpatibay-loob sa kongregasyon.”

Kahit na marami sa mga dinalaw ang hindi tumugon, tunay na may kabutihang nagagawa ang ganitong maawaing pagkukusa. Kung gayon, pasimula sa Setyembre rerepasuhin ng matatanda sa bawat kongregasyon ang mga pangalan niyaong mga nasa teritoryo na itiniwalag at isasaayos na dalawin ang lahat na inaakala nilang tutugon sa awa na ipinakita sa kanila.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share