Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w92 8/15 p. 32
  • Hindi Masugpo ng Arsobispo!

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Hindi Masugpo ng Arsobispo!
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1992
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1992
w92 8/15 p. 32

Hindi Masugpo ng Arsobispo!

NOONG nakaraang taon, isang kapulungan, (mahalagang konsilyo ng mga kardinal) ang inorganisa upang talakayin ang ilang mga bagay na nakababahala sa Iglesya Katolika. Isa na rito ayon sa pahayagang Il Sabato, ay “ang pagkaagresibo ng mga sekta.” Gayunman, sinabi ng pahayagan: “Hindi dapat maging suliranin para sa mga kardinal ang pagkakasundo sa puntong ito. Lahat ay nagkakaisa na kailangan ang higit na puspusang pag-aaral ng mga bagong kilusang relihiyoso at ang pangangailangan na sugpuin, hangga’t maaari, ang kanilang paglaganap.”

Datapuwat, maliwanag na “ang pagkaagresibo ng mga sekta” ay hindi lamang sa Italya nagiging problema. Nag-uulat pa ang Il Sabato: “Sa pagdalaw sa Vaticano kamakailan, si Arsobispo Kirill ng Smolensk [isa sa pinakamatandang siyudad ng Russia] . . . ay humingi sa papa ng pandaigdig na tulong sa pagsugpo sa mabilis na paglago ng mga Saksi ni Jehova at ng katulad na mga grupo sa Unyon Sobyet.”

Noong unang siglo, ang mga lider ng tatag na relihiyon ay may gayunding reklamo nang ang Kristiyanismo ay palaganapin ng agresibong mga tagapagtaguyod nito. Minsan nagagalit na mga Judio ang nagreklamo sa mga pinuò ng lunsod: “Ang mga lalaking ito na nagsipagtiwarik sa tinatahanang lupa ay naririto rin naman”! (Gawa 17:6) Nang panahong iyon, ang mga pinunong relihiyoso ay nagsikap na mabuti na pahintuin ang paglaganap ng Kristiyanismo, subalit sila’y nabigo. Sa ngayon, anumang sikap na pahintuin ang paglaganap ng tunay na doktrinang Kristiyano ay mabibigo. Ang Diyos mismo ay nangangako: “Anumang armas na gagawin laban sa inyo ay hindi magtatagumpay at ang mga dila na magbabangon laban sa inyo sa kahatulan ay inyong hahatulan. Ito ang mana ng mga lingkod ni Jehova, at sa akin nagmumula ang kanilang katuwiran.”​—Isaias 54:17.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share