Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w92 10/15 p. 3
  • Sinasalakay ang Pamilya!

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Sinasalakay ang Pamilya!
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1992
  • Kaparehong Materyal
  • May Lihim ba ang Kaligayahan sa Pamilya?
    Ang Lihim ng Kaligayahan sa Pamilya
  • Ang Pamilya—Kailangan ng Tao!
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1998
  • Kagipitan ng Pamilya—Isang Tanda ng Panahon
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1992
  • Kapag Apektado ng Karahasan ang Tahanan
    Gumising!—1993
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1992
w92 10/15 p. 3

Sinasalakay ang Pamilya!

“ANG pamilya ang pinakamatandang institusyon ng tao. Sa maraming paraan ito ang pinakamahalaga. Ito ang pinakapangunahing bahagi ng lipunan. Ang buong mga kabihasnan ay nakaligtas o dili kaya’y naglaho, depende sa kung ang pamilya ay malakas o mahina.”

Ganiyan ang sabi ng The World Book Encyclopedia noon pang 1973. Gayunman kung mamalasin buhat sa kasalukuyang kalagayan, ang mga salitang iyan ay nagbabanta ng masama, halos salagimsim ng mangyayari. Ang lumipas na mga taon ay nakasaksi ng masasabing isang harapang pananalakay sa buhay pampamilya. Ang popular na tagapayo na si John Bradshaw ay sumulat: “May krisis sa pamilya ngayon. . . . Ang tumataas na bilang ng diborsiyo, mga gawang karahasan ng mga tin-edyer, ang palasak na pag-aabuso sa droga, ang salot ng insesto, ang mga sakit na may kaugnayan sa pagkain at ang mga bugbugan ay patotoo na may malubhang nangyayari.”

Oo, “ang patotoo na may malubhang nangyayari” sa pamilya ay matatagpuan sa buong daigdig. Sinabi ng The Unesco Courier tungkol sa situwasyon sa Europa: “Sapol noong 1965, may malaking pagsulong sa bilang ng mga diborsiyo sa buong kontinente. . . . [May] pagsulong sa bilang ng mga pamilya ng nagsosolong magulang.” Sa umuunlad na mga bansa ay may masasaksihan din na pagsulong sa kagipitan sa pamilya. Ang manunulat na si Hélène Tremblay ay ganito ang puna: “Para sa milyun-milyong kataong namumuhay sa mga lipunan na nakaranas ng normal, maaasahan, na walang pagbabagong paraan ng pamumuhay sa loob ng daan-daang taon, ang kasalukuyan ay isang panahon ng kaguluhan.”

Ang lalo nang nakababahala ay ang kapaligiran na umiiral sa maraming tahanan ngayon. Sa Estados Unidos lamang, milyun-milyong bata ang pinalalaki ng isang magulang na alkoholiko. Nagkaroon din ng nakababahalang pagdami ng karahasan sa pamilya. Sa kanilang aklat na Intimate Violence, ang mga mananaliksik na sina Richard Gelles at Murray Straus ay nag-uulat: “Malamang na ikaw ay makaranas ng karahasan, pambubugbog, at pagpaslang sa iyong sariling tahanan sa kamay ng isang minamahal kaysa anumang lugar, o ng sino pa man sa ating lipunan.”

Kung ang kaligtasan ng sibilisasyon ay talagang depende sa lakas ng pamilya, may dahilan na mabalisa sa kinabukasan ng sibilisasyon. Gayunman, ang kahihinatnan ng sibilisasyon ay baka hindi gaanong nakababahala sa iyo. Malamang na ang ikinababahala mo ay kung ano kaya ang ipinahihiwatig para sa iyong pamilya ng gayong kaguluhan. Ano ang kalalabasan? Baka mabigla ka sa mapanghahawakang kasagutan.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share