Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w93 3/1 p. 32
  • “Bago ang mga Bundok”

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • “Bago ang mga Bundok”
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1993
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1993
w93 3/1 p. 32

“Bago ang mga Bundok”

“IKAW ang naging aming tahanang dako sa lahat ng salinlahi. Bago ang mga bundok ay isinilang o bago mo nilalang ang lupa at ang sanlibutan, mula sa walang hanggan hanggang sa walang hanggan ikaw ay Diyos.” (Awit 90:1, 2, New International Version) Ang mga salitang iyan ay tumukoy sa ating Manlalalang, at anong laking kaaliwan ang naidudulot​—lalo na sa ngayon, na waring walang anumang matatag!

Sa isang patuloy na lumalalang kabuhayan, kakaunti ang may tiwala sa hinaharap. Ang nakababahalang paglago ng krimen at pag-abuso sa droga ang nagpabago sa ilang siyudad tungo sa pagiging mistulang mga larangan ng labanan. Kahit na ang antigong institusyon na iyan, ang pamilya, ay hahapay-hapay. Tayo ay nakakabalita ng mga bagay na bago sa pandinig tulad baga ng mga pamilyang homoseksuwal. Ang mga pamilyang may nagsosolong magulang ay dumarami, na ang iisang magulang ay kalimitang napapaharap sa malaking kagipitan. Ang kapayapaan ng maraming pamilya ay nasisira ng mga bagay na nakasusuklam na tulad ng pambubugbog ng asawa at pang-aabuso sa bata.

Sino ba ang aakay sa atin sa mga panahong ito ng kahirapan? Bueno, hindi naman kulang ng pagpapayo buhat sa mga sikologo, edukador, at iba pa, subalit karamihan niyaon ay nagkakasalungatan. Para sa isang buong salinlahi sa Kanluran, Si Dr. Benjamin Spock ang pangunahing tagapayo tungkol sa pagtuturo sa mga bata. Pagkatapos ay inamin niya na siya’y nagkamali sa kaniyang payo.

Anong higit na karunungang ang Diyos ang maging ating “tahanang dako”! Sa mga panahong ito ng malubhang kaguluhan, siya ay isang matatag na bato, umiiral “mula sa walang hanggan hanggang sa walang hanggan.” Sinabi niya tungkol sa kaniyang sarili sa pamamagitan ni propeta Malakias: “Ako ay si Jehova; ako ay hindi nagbabago.” (Malakias 3:6) Ang mga pamantayan ng Diyos, ayon sa pagkasulat sa Bibliya, ay lubos na mapanghahawakan. Siya’y umiral na “bago ang mga bundok,” at ang kaniyang payo, na makikita sa Banal na Kasulatan, ay nakasalig sa kaniyang walang-hanggang karunungan. Ito ang talagang kailangan natin para sa kaligayahan at tagumpay.

Kung gayon, karunungan nga ang magtiwala sa Salita ng Diyos, ang Bibliya. Pag-aralan mo ito upang makinabang sa karunungan ng Diyos. Magtiwala sa iyong natutuhan, at hayaang iyon ay magsilbing ilaw na aakay sa iyo sa landas ng buhay. (Awit 119:105) Tanging ang mga gumagawa ng gayon ang may dahilan na magtiwala sa hinaharap at magkaroon ng tunay na katahimikan ng isip.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share