Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w94 5/15 p. 8-9
  • Ang Bibliyang Gothic—Isang Kahanga-hangang Tagumpay

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ang Bibliyang Gothic—Isang Kahanga-hangang Tagumpay
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1994
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Si Ulfilas​—Misyonero at Tagapagsalin ng Bibliya
  • Ang Maagang Kasaysayan ng Bibliyang Gothic
  • Ang Nakaligtas na mga Manuskrito
  • Pagsasauli sa Teksto ng Bibliyang Gothic
  • Manuskrito ng Bibliya, Mga
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Codex Alexandrinus
    Glosari
  • Codex Vaticanus
    Glosari
  • Codex
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1994
w94 5/15 p. 8-9

Ang Bibliyang Gothic​—Isang Kahanga-hangang Tagumpay

ANG mga Goth ay isang pagsasama-sama ng mga tribong Aleman, marahil nagmula sa Scandinavia. Sa maagang mga siglo ng ating Karaniwang Panahon, sila’y nandayuhan sa malayong timog hanggang sa Black Sea at sa ilog Danube, nakarating hanggang sa mga daungan sa pangangalakal ng Imperyong Romano.

Ang unang literatura na nagawa sa wikang Aleman ay ang Bibliyang Gothic. Sa ngayon mga piraso na lamang ng saling ito ang umiiral. Gayunman, ito’y nananatiling isang pambihira at mahalagang bersiyon ng Banal na Kasulatan. Bakit?

Si Ulfilas​—Misyonero at Tagapagsalin ng Bibliya

Ang tagapagsalin ng Bibliyang ito ay si Ulfilas, na kilala rin sa kaniyang pangalang Gothic na Wulfila. Ayon sa mananalaysay na si Philostorgius, si Ulfilas ay inapo ng mga nabihag nang salakayin ng mga Goth ang Cappadocia, na ngayon ay bahagi ng silangang Turkiya. Isinilang noong mga 311 C.E., siya’y ordinado ni Eusebius ng Nicomedia makalipas ang mga 30 taon at sinanay upang maglingkod bilang isang misyonero sa gitna ng mga Goth.

“Upang turuan at maparami ang kaniyang mga nakumberte,” sabi ng mananalaysay na si Will Durant, “matiyagang isinalin niya, mula sa Griego tungo sa Gothic, ang buong Bibliya maliban sa mga Aklat ng mga Hari.” (The Age of Faith) Sa ngayon, maliban sa isang piraso ng aklat ng Nehemias, ang tanging iba pang mga manuskrito ng Bibliyang Gothic na natitira ay mga bahagi ng Kristiyanong Griegong Kasulatan.

Ang Gothic ay hindi isang nakasulat na wika. Si Ulfilas kung gayon ay napaharap sa isang hamon sa pagsasalin na nangangailangan ng pambihirang pagkadalubhasa. Sa kaniya ibinibigay ng sinaunang eklesiastikong mga mananalaysay ang kredito sa pagkaimbento ng abakadang Gothic na may 27 simbolo, na nakasalig pangunahin na sa mga abakadang Griego at Latin. Bukod dito, sinasabi ng The New Encyclopædia Britannica na “inimbento niya ang isang kalipunan ng mga terminong Alemang Kristiyano, na ang iba ay ginagamit pa rin hanggang ngayon.”

Ang Maagang Kasaysayan ng Bibliyang Gothic

Tinapos ni Ulfilas ang kaniyang pagsasalin bago sumapit ang 381 C.E. at siya’y namatay pagkaraan ng dalawa o tatlong taon. Ang pagkapopular ng kaniyang salin ay pinatutunayan ng The Encyclopedia Americana, na nagsasabi na “ang salin ay karaniwan nang ginagamit ng mga Goth na nandayuhan sa Espanya at Italia.” Oo, kung ibabatay sa bilang ng nakaligtas na mga piraso nito, lumilitaw na gumawa ng maraming kopya ng Bibliyang Gothic na ito. Malamang, maraming manuskrito ang ginawa sa mga scriptorium ng Ravenna at Verona, sa lugar na kung saan itinatag ng mga Goth ang kanilang kaharian. Ang mga scriptorium ay mga silid sa mga monasteryo na kung saan isinulat at kinopya ang mga manuskrito.

Ang mga Goth ay nagwakas bilang isang bansa noong 555 C.E., pagkatapos na muling masakop ng Bisantinong emperador na si Justinian I ang Italia. Pagkamatay nila, sinabi ni Tönnes Kleberg na “ang wikang Gothic at ang mga tradisyong Gothic sa Italia ay naglaho, anupat halos walang natirang bakas. Wala nang interesado sa mga manuskritong Gothic. . . . Sa kalakhang bahagi ang mga ito ay pinaghiwa-hiwalay at binura ang mga nakasulat. Ang mamahaling pergamino sa gayon ay muling ginamit para sa pagsulat.”

Ang Nakaligtas na mga Manuskrito

Sa ilan sa mga manuskritong ito, hindi lubusan ang pagkabura, anupat bahagya pa ring nakikita ang orihinal na kasulatan. Marami sa mga palimpsest na ito, gaya ng tawag sa mga ito, ay natuklasan at nabasa. Kapansin-pansin, ang tanyag na Codex Argenteus, na naglalaman ng apat na Ebanghelyo sa pagkakasunud-sunod na Mateo, Juan, Lucas, at Marcos, ay naingatan nang buo.

Ang napakainam na codex na ito ay inaakalang nanggaling sa scriptorium ng Ravenna sa pasimula ng ikaanim na siglo C.E. Ito’y tinatawag na Codex Argenteus, na ang ibig sabihin ay “Aklat na Pilak,” sapagkat nasusulat sa pinilakang tinta. Ang mga pahina ng pergamino ay kinulayan ng lila, nagpapakilala na marahil iyon ay para sa isang maharlika. Napapalamutian ng ginintuang mga letra ang unang tatlong linya ng bawat Ebanghelyo gayundin ang mga pasimula ng iba’t ibang seksiyon. Ang mga pangalan ng mga sumulat ng Ebanghelyo ay lumilitaw rin sa ginintuang kulay sa itaas ng apat na magkakaagapay na mga “archway” na nasa paanan ng bawat tudling ng kasulatan. Ang mga ito ay nagbibigay ng mga reperensiya sa katumbas na mga talata sa mga Ebanghelyo.

Pagsasauli sa Teksto ng Bibliyang Gothic

Kasunod ng pagkakawatak-watak ng bansang Gothic, ang mahalagang Codex Argenteus ay nawala. Hindi na muling nakita iyon hanggang sa mabatid iyon ng madla noong kalagitnaan ng ika-16 na siglo sa monasteryo ng Werden, malapit sa Cologne, Alemanya.

Noong taóng 1569, ang bersiyong Gothic ng Panalangin ng Panginoon ay inilathala, na tumatawag ng pansin sa Bibliya na pinagkunan nito. Ang pangalang Codex Argenteus ay lumitaw na nakalimbag sa unang pagkakataon noong 1597. Mula sa Werden ay nakita ang manuskritong ito sa koleksiyon sa sining ng emperador sa Prague. Subalit, sa katapusan ng Tatlumpung Taóng Digmaan noong 1648, tinangay ito ng nagtagumpay na mga Sweko kasama ang iba pang mga kayamanan. Sapol noong 1669 ang codex na ito ay nagkaroon ng permanenteng dako sa Uppsala University Library, Sweden.

Ang Codex Argenteus ay sa orihinal na binubuo ng 336 na pahina, na ang 187 nito ay nasa Uppsala. Ang isa pang pahina​—ang huli sa Ebanghelyo ni Marcos​—ay natuklasan noong 1970 sa Speyer, Alemanya.

Mula nang muling lumitaw ang codex, sinimulan nang pag-aralan ng mga iskolar ang kasulatan upang matuklasan ang kahulugan ng patay na wikang Gothic. Samantalang ginagamit ang lahat ng makukuhang mga manuskrito at ang dating mga pagtatangka na maisauli ang teksto, pinagsama-sama at inilathala noong 1908 ng iskolar na Aleman na si Wilhelm Streitberg ang “Die gotische Bibel” (Ang Bibliyang Gothic), na ang mga tekstong Griego at Gothic ay nasa magkatapat na mga pahina.

Sa ngayon, unang-una nang interesado ang mga iskolar sa Bibliyang Gothic na ito. Gayunman, ang bagay na ito’y niyari at pinakaingatan nang mga unang araw ng pagsasalin ng Bibliya ay nagpapatotoo sa hangarin at determinasyon ni Ulfilas na maisalin ang Salita ng Diyos sa isang modernong wika noon. Tama ang pagkakilala niya na sa ganito lamang paraan makaáasang mauunawaan ng mga Goth ang katotohanang Kristiyano.

[Picture Credit Line sa pahina 9]

Sa kagandahang-loob ng Uppsala University Library, Sweden

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share