Sila ay Bahagi ng Nagkakaisang Kapatiran
Noon ay Agosto 7, 1993, sa Republican Stadium sa Kiev, Ukraine. Ang mahigit na 64,000 nagsidalo ay nakamasid nang may pananabik sa pagsapit ng sandaling iyon. Pagkatapos, bilang tugon sa dalawang makahulugang tanong, libu-libo ang sumagot ng “Da!” (“Oo!”) Sa ganitong paraan, sila’y gumawa ng isang pangmadlang kapahayagan ng kanilang pananampalataya at nagpatuloy na sagisagan ang kanilang pag-aalay sa Diyos na Jehova sa pamamagitan ng pagpapabautismo sa isa sa anim na pool na nasa istadyum.—Mateo 28:19.
Sa gayon, sa ikatlong araw na ito ng internasyonal na Kombensiyong “Banal na Pagtuturo” ng mga Saksi ni Jehova, nasaksihan ng mga tagapakinig ang isang natatanging pangyayari: 7,402 ang nabautismuhan at naging bahagi, hindi ng isang nababahaging iglesya, kundi ng nagkakaisang pambuong-daigdig na kongregasyong Kristiyano.
Kung nais ninyong matuto ng higit tungkol sa tunay na pagkakaisang Kristiyano, pakisuyong sumulat sa Watch Tower, P.O. Box 2044, 1099 Manila, o sa angkop na direksiyon sa pahina 2.